Ang Kwento ng Pag-iibigan
Hello Im Erika 16yrs old ng Batangas at ito ang aking kwento. Ako ay isang kaisa isang anak ng mag asawang negosyante sa Probinsya ng Batangas. Taong 2012 nasa hayskul ako bilang graduating student sa aming pribadong paaralan. Isang tanghali ay galing ako sa aming skwelahan nag periodical exam lang kami kaya half day lang kami nuon. Pagpasok ko sa may gate namin papasok sa aming car garage ay may lalaking nakaupo na waring may hinihintay. Matangkad ito, matangos ang ilong, kulot ang buhok na maigsi, Payat, may manipis na labi.. OK na siguro yan para masabing isa siya sa tinatawag na Tall,Dark and Handsome na tinatawag ng karamihan. Dumaan ako sa kanyang harapan, ngumiti siya sa akin nguni't tango lamang ang binigay ko sa kanya nung araw na iyon at mabilis akong naglakad papasok sa aming bahay upang magbihis ng aking pambahay na damit at hinubad ang aking uniform. Pagod din ako sa biyahe galing sa aming eskwela dahil sa bukod na traffic ay nakakapagud din naman talaga magbiyahe idagdag pang mainit ang panahon. Pag labas ko ay wala na siya sa garahe umalis na ito dahil nag apply lang itong driver/pahinante sa aking magulang. Ang pangalan nya pala ay si Allen Vergara 35 taong gulang na siya halos 18 taon ang tanda niya sa akin.
Kinabukasan, nagkita na naman kaming muli dahil hired na siyang driver sa amin. Good Morning Senyorita bati niya sa akin. Good Morning din po kuya.... ang aking tugon (hindi ko pa alam ang kanyang pangalan nuon) Allen po. Ang kanyang sabi sa akin sabay ngiti. Good Morning po Kuya Allen ang aking ulit. Tuwing umaga pagkakatapos namin mg umagahan ay halos nagmamadali ang mga tao. Dahil sina Daddy ay umaalis para asikasuhin ang negosyong gulayan kasama ang kanyang mga driver at pahinante at isa nga dun si Allen,umaangkat at nagdadala sila ng mga gulay sa aming mga tindahan sa lungsod ng laguna at Batangas. Ako naman ay magmamadali din mag ayos upang pumasok sa paaralan. Umuuwe sina Daddy pagkatapos ng kanilang business transaction pagdating ng tanghali at manananghalian sa bahay at mamamahinga at tatambay para maginuman kasama ng aking ama sa taas kung saan may kubo dun sila nagpapahangin. Pagsapit naman ng 8pm ay aalis muli si kuya Allen kasama ang isa pang ahente sasakay sila sa truck na may kargang gulay at ibbiyahe nila iyon sa aming mga tindahan sa laguna. 3am kung magbukas ang aming tindahan duon. Pagkahatid ng mga gulay sa mga tindahan ay agad naman silang babalik sa bahay bandang 12am, kung saan sila natutulog ay hindi ko alam, mamamahinga sila para sa kinabukasan na panibagong trabaho. kahit linggo ay sige sila sa trabaho walang palya iyon.
Naging madalas ang pagkikita namin ni kuya Allen sa bahay lagi niya ako binabati at ngiti lang ang aking laging tugon sa kanya. Hanggang isang gabi ay naubusan ng load ang aking ina at nakisuyo sa akin na itext ko si Kuya Allen para masabi ang gusto ipaabot ng aking ina dito. Nang masabi ko na ang pinapasabi ng aking ina sa kanya ay "ok po" ang kanyang sagot dito.. Mommy ok daw po sagot niya. Ahh ok sige sagot ng aking ina sa akin at lumabas siya ng aking silid dahil nagaaral ako nuon. Ilang saglit pa ay may nagtext sa akin at nang itoy aking tingnan ay si kuya Allen pala ito. "kumaen ka madami. kita ko eh kapayat mo na. Ang ganda mo tapos ang payat mo" yun ang kanyang sabi. Hindi ko mawari kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya. Hindi ko siya nireplyan. Kinaumagahan ay muli siya nagtext sa akin. Madaling araw iyon ngunit 7am ko na nabasa ang mensahe bago pumasok sa aming skwela. Hindi ko siya inientertain dahil marahil ay matanda na ito sa akin, bukod dito ay busy ako sa school requirements namin dahil graduating na ako at isa pa ay meron akong kasintahang kaklase at umiiwas ako sa tsismis ayoko nang gulo. Ngunit sa kabilang banda bago sumapit ang aming graduation ay naghiwalay kami ng aking nobyo sa kadahilanang magkakalayo na kami ng College University.
Kumuha kami ng exam nuon sa isang school at parehas kami pumasa bale nasa top 4 ako,kaya lang ang gusto ng aking magulang ay sa malapit na lang ako mag aral. Mula nuon lagi kami nagtatalo ng aking nobyo at gusto niyang pilitin ko ang aking magulang na pumasok sa University na papasukan niya. Sa madalas na pag aaway ay naghiwalay kami dahil mahirap din naman ang LDR para sa amin. Hanggang sa dumating na pinakahihintay namin ang araw ng pagtatapos sa sekondarya. Sobra ang saya ko dahil sa wakas nakatapos na ako na walang anumang aberya w/ awards pa. Kinagabihan ng araw na iyon ay may text na dumating sa akin. "Graduate kana,Congrats". Si Kuya Allen ang nagtext na iyon at nagreply ako sa una pagkakataon kahit tatlo hanggang limang beses kasi siya kung magtext siya sa akin araw araw ng pangungumusta,Love quotes,Motivational quotes,lahat yun ay makasave sa phone ko ngunit di ko ito sinasagot.
"Salamat po Kuya" ang aking sagot sa kanya. Hanggang sa lumipas ang isang buwan ay patuloy ang araw araw naming pagpapalitan ng mensahe ni Kuya Allen,hanggang sa kalaunan ay madalas na din ang pagtawag niya sa akin. Makalipas ang isa pang buwan ay nagtapat na siya ng damdamin para sa akin pero ito'y aking tinanggihan. Hanggang sa patuloy ang pangungulit sa akin ni kuya Allen at di ko namalayang maging ako ay unti unti na ring nahuhulog sa kanya. Ngunit biglang isang araw ay di na ito nagtext sa akin ng one week at dito biglang tumamlay ang aking araw araw na nakasanayan na lagi ko siya nakakausap. Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng pagkamiss sa kanya at hinanap ko ang kanyang pangungulit sa akin. Hindi ako mapakali habang hawak ang aking cellphone, iniisip ko kung itetext ko ba siya para kamustahin. Ilang minutong pagiisip ay nagtext ako sa kanya.
"Hi kuya,kumusta kana?" wala pang 3 minuto ay nagreply naman agad siya sa akin at kinumusta din niya ako. At sa pagkakataong iyon ay nagkatext kaming muli. Nahulog na din pala ako sa kanya," Biruin mo nga naman, nahulog din nga naman ako sa mokong na yun hahahaha" ang aking naisip. Nung nag aral na ako sa kolehiyo ay sinagot ko siya Buwan ng Hunyo iyon dahil birthday nya ito. Sa sobrang tuwa ay umalis agad sila sa delivery at ang kasama nito papunta sa bahay.Hinintay ko siya sa labas ng aming bahay at halik sa pisngi at yakap ang binigay nya sa akin dulot marahil ng kanyang kaligayahan. Pero hindi muna namin iyon pinaalam sa aking magulang dahil natatakot din ako. At nang mga panahong iyon ay tago lamang at nanatiling lihim ang aming naging relsyon. Hanggang lumipas ang mga araw ay patuloy ang aming relasyon na tago lamang at unti unti ay may napapansin ang aking mga magulang na kakaiba sa aming dalawa ngunit hindi agad nila agad pinuna iyon at nakiramdam lang muna sa amin kung tama ang kanilang hinala sa mga kilos namin, ngunit di pa namin alam iyon ni kuya Allen.
Lumipas ang ilang linggo ay nagtanong na sa akin ang aking ina kung may ano meron sa aming dalawa ni Kuya Allen ngunit tinanggi ko ito. Matapos niyon ay nagtext ako kay Kuya Allen na naghihinala na sina Mommy sa amin. Ano ang aking gagawin kuya? ang tanong ko sa kanya." Relax kalang. basta pag nagtanong muli sabihin mo lang na wala, at wag kang kabahan para di ka mahalata"yun ang sabi nya. Ngunit patuloy na ang pagtatanong ni mommy sa akin halos araw araw na at tila pinipilit ako mapaamin. Isang gabi ay nagbabalak na ako makipagkalas na sa aming relasyon nguni't hindi ko agad iyon sinabi sa kanya bagkus ay tinext ko si Kuya Allen na magkita kami kinabukasan sa aming paaralan at may sasabihin ako. Binigay ko sa kanya ang oras at kung paano. At sumangayon siya kaya naman kinabukasan ay di siya pumasok sa trabaho na pinagtaka ng aking ama at ina. At sa di namin alam ay kinontak nila ang ina ni Kuya Allen kung nasaan ito. "Wala eh madaling umalis bihis na bihis hindi ko alam saan papunta ang batang iyon." iyon ang kanilang nakuhang impormasyon sa ina nito.
Samantala sa aking paaralan habang nagtuturo ang aking guro ay nagttext din ako sa kanya kung nasaan na ito dahil patapos na ang aming klase. Sumagot siyang malapit na siya at itetext daw niya ako kung andun na siya. Matapos ang aking klase ay vacant na namin dali dali ako lumabas ng campus para pumunta sa kabila kalsada kung saan kami magkikita at andoon na pala siyang hinihintay ako. Lalo siya gumwapo sa paningin ko sa kanyang suot na damit. Tumawid kami sa kabilang lane magkahawak kamay at sumakay sa tricycle papuntang mall. Magkahawak kamay kaming pumasok dito at dumiretso sa chowking upang kumaen muna ng lunch. Ano gusto mong order? tanong niya sa akin. Chicken n Sour kuya ung lauriat tsaka iced tea. ok cge yun nalang din order ko. Matapos niya umorder ay umupo kami sa isang table at inintay ito. Kumaen kami at matapos niyon ay lumabas din at nagtungo sa second floor ng mall. Kamusta kana, pinapagalitan kaba sa inyo? tanong niya sa akin. Oo kuya araw araw nga eh, sanay na din naman ako eh, sabay ngiti sa kanya. Basta kapag nagsesermon mommy mo, pasok sa kabila tenga labas lang palagi sa kabila.
Ngumiti ako sa kanya at pansamantalang tumitig. Ahmm.. Kuya ang totoo niyan kaya ako nakipagkita, dahil makikipag break na ako sayo kasi tutol magulang ko at sigurado ganun din magulang mo. At sigurado ako, tama lang itong gawin natin. Tumitig siya sa akin at bahagya pumatak ang kanyang luha at pinahid nya ito. Kung yan ang gusto mo sige reresputuhin ko, ang kanyang sagot sa aking nais. Sige, tara na balik na tayo may klase pa kasi ako kuya. Ang aking sabi habang pinipigil na pumatak ang aking mga luha. Sandali lang, may bibilhin muna ako, ang kanyang sabi sa akin. At mejo nagtaka ako na huminto kami sa jewelry shop ng mall at pumasok sa loob. Pumili ka ng gusto mo jan, sabi niya sa akin. Ha? bakit? Wag na lang kuya, ang aking tutol. Sige na para lagi mo ako maalala, remembrance ko yan sayo. At dahil mapilit siya ay pumili ako ng isa sa mga bracelet na nakadisplay sa isang estante ng shop, maganda ang napili kong ito dahil sa beeds nitong kulay blue na siya kong paboritong kulay. Saglit pa ay Tinawag nya ang sales lady ng jewelry shop.
"Miss magkano ito? Good afternoon po Sir, Nine hundred fifty pesos po iyan sir. At wala Pagaalinlangan si Kuya Allen na sinabing," Sige bibilhin ko para dito sa kasama ko." Napatingin sa amin saglit ang sales lady at ngumiti. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin gayong 18 yrs old lamang ako at may angking kagandahan, samantalang nasa 30's naman ang kasama ko diba? nang mabayadan ang biniling bracelet ay isinuot ito sa akin ni kuya Allen at bahagyang tumulo ang aking luha, maging siya ay ganun din. Tara na at may klase kapa baka ka maleyt ang sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kanya bilang tanda ng pag sang-ayon. Paglabas ng mall ay madali kami nakasakay ng tricycle pabalik sa aking pinapasukang paaralan. Pagsakay ng tricycle ay niyakap niya ako at hinalikan sa noo ng tatlong beses. Maya maya pa ay naroon na kami sa aking paaralan na pinapasukan.
O sige na pumasok kana,bye. At nagyakap kaming muli ng ilang segundo. Tila baga, nilubos na namin ang segundong iyon,dahil iyon na ang huli naming pagyayakap na alam naming hindi na muli pang mauulit. Kaya bahagyang tumulong muli ang aming mga luha habang yakap ang isat isa. Umalis kami sa pagkakayakap at pinahid ang aming mga luha. Hinalikan nya muli ako sa aking noo ng tatlong beses at sinabing pumasok kana at baka mahuli kana. Sige po kuya, maraming salamat sa lahat at sa remembrance mo iingatan ko ito, pangako. Ngumiti siya at pagkwan ay tumalikod sa akin at binitiwan ang aking kamay. Ganun din ako. At Lumingon ako sa kanya nang malapit na ako sa pintuan ng campus at nakatingin din pala siya sa akin, ilang hakbang na ang layo namin sa isat isa. Kumaway siya sa akin tanda ng paglisan at kumaway din ako hanggang tuluyan na siyang umalis. Ako naman ay tungo na sa aming klase,nasa fifth floor ito at tanging mga hagdan lang ang tanging way ko para makarating sa aming room. Maya maya pa sa pagakyat ko ng hagdan ay sa wakas nasa 5th floor na ako at pumasok ako sa aming classroom kung saan naroon ang aking apat na barkada.
At kunte palang ang mga nandoon sa aming classroom. O Erika, anjan kana pala. wika ng isa kong barkada. Oo nga Erika san kaba nagpunta nagtaka kami na hindi ka namin kasama kanina hinanap ka namin eh? Ahmm,jan lang sa tabi tabi nagpahangin. Ganun ba, teka wala ka naman suot na bracelet kanina diba? Saan mo binili yan,ang ganda naman? tanong ng lima kong barkada. Ahh ehh jan lang sa tabi tabi. Magkano bili mo jan? Ahm eto? three hundred lang to. Ano??! three hundred?! seryoso kaba? sabay sabay nilang sabi sa akin.Yung totoo Erika, saan mo nabili at magkano? Ang seryosong tanong sakin ng isa sa aking barkada. Wag kana mag secret sa amin parang di mo kami kaibigan tsaka tingnan mo nga itsura mo,umiyak ka noh? ang kanilang sabi. Ako? iiyak? bakit naman ako iiyak eh wala naman dahilan? Weeehh? iiayak na yan. iiyak na yan, ang kanilang kantiyaw sa akin hanggang sa di ko na napigilan pagpatak ng aking mga luha at umagos na ito mula sa aking mga mata. Nilapitan nila ako at sinabi halika nga dito magkwento ka at niyakap nila ako.
Saan kaba galing ha?Kwento kana samen dali. Muli nilang tanong habang pinapakalma ako sa aking pagiyak. Akoy sumagot, sa totoo niyan may lakad kami ng boyfriend ko kanina. May boyfriend ka pala? gulat nilang tanong sa akin at tumango ako. O tapos ano nangyare at saan kau nagpunta? Nagpunta kami sa mall,kumaen at.... At ano nangyare wika ng isang nakatatanda sa aming barkada. Nakipaghiwalay na ako sa kanya at etong bracelet na to ay binili niya sa mall para remembrance sa akin. At muli ay tumulo ang aking mga luha. Hinaplos nila ang likod ko at binigyan ng isang group hug. Kaya mo yan Erika. Sa ganda mong yan madami kapang makikilala at andito lang kaming limag kaibigan mo para sayo. Tsaka ikaw ang Business Manager ng klase naten, ituon mo nalang atensiyon mo dun at sa swimming class naten galing mo kaya dun, basta ba wag ka magpapakalunod ha? biro sa akin ng mga kaibigan ko at napatawa naman nila ako. Niyakap nila ako at bumalik na sa kanilang mga upuan.
Ilang segundo lang ay dumating na ang aming guro sa aming room kasama ang ilan naming kaklase. Nang nasa gitna na ng pagtuturo ang aming guro ay para bagang hindi ko naririnig ang bawat salita na lumalabas sa bibig na kanyang tinuturo. Tila baga ay parang slow motion ang aking buong paligid hanggang sa..... Erika? Erika? Tinatawag pala ako ng aking guro at kaklase lahat sila ay nakatingin sa akin."Yes maam?" Are you ok o Masama ba pakiramdam mo gusto mo bang magpahinga muna sa school clinic? No maam, i'm ok. Are you sure? Yes ma'am. Ok lets proceed. At muli siyang nagturo sa harapan hanggang sa matapos ang araw na iyon. Pag uwe ko ng bahay ay pakiwari ko baga ay masakit ang aking katawan maging ang aking kalooban at iisipan. Oh, anjan kana pala,ang aga mo ngayon, salubong sa akin ng aking pinsan na tumutulong sa gawaing bahay. Tila baga parang di ko siya narinig at napansin niya ang suot kong bracelet. Teka,kanino galing yan ang ganda ahh? Sino may bigay sayo niyan? Classmate ko ate Rose. Ahh ok sige ang kanyang tugon, ngunit parang di siya naniwala sa aking sinabi.
Matapos niyon ay dumiretso na ako sa aking silid upang magpalit ng aking kasuotan. Kinagabihan ay nasa bahay nadin ang aking mga magulang. Tila meron silang pinaguusapan sa may dining.Ako naman ay nasa sala upang atupagin ang aking mga aralin.Nang biglang nagtext sa akin si Kuya Allen. Musta kana?Ingat ka jan ha. At nagreply ako sa kanyang mensahe, Ok lang ako kuya,ingat ka din. Kinabukasan ay suot ko ang aking bracelet na binili ni kuya Allen sa mall kahapon papasok sa aking paaralan nakita ito ni kuya Allen. Good Morning bati nya sa akin at iniabot sa akin ang 500 pesos,oh baon mo yan. Hindi na kuya sayo na yan binigyan na ako ni mommy ng baon. Iniaabot ko ang pera sa kanya ngunit tumanggi siya tanggapin ko dw iyon. "Salamat" ang aking sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa skwelahan ng araw na iyon at gabi na dumating dahil umiiwas nadin na magkita kami ni kuya Allen. Lingid sa aming kaalaman, ay minamatyagan na pala kami ng aking magulang at mga kasambahay kaya nang gabing iyon ay isang malaking tensyon at integrasyon din ang naganap sa aming bahay.
Naroon ang tiyuhin ni Kuya Allen na pilit ako pinapaamin sa estado namin.Nang nasa gitna kami ng pagpupulong ay biglang tumunog ang aking cellphone. Kuya lang ang nakalagay niyang contact name sa cellphone ko, Si Kuya Allen yung nagtext sa akin.Kinuha ng aking ina ang aking cellphone sa akin at sila ang nagbasa at dahil di ako sumasagot noon sa text ng dati kong nobyo ay marahil kabado ito at mayat mayang tinetext ang aking cellphone ngunit ang aking magulang na ang may hawak niyon. Kaya naman lalong puyos sa galit ang aking magulang sa mga nabasang mga mensahe galing kay Kuya Allen.Kinaumagahan ay maagang pumunta sa bahay si Kuya Allen at nagkaroon din sila ng Integrasyon ng kanyang tiyuhin at narinig ko iyon ngunit di nila alam dahil nagkukubli ako habang nakikinig. Girlfriend mo ba si Erika? May relasyon ba kayo? Wala ho uncle,ang kanyang sagot sa tiyuhin niya. Sigurado kaba? Kasi may mga text ka kagabi nabasa namin sa cellphone nya kinuha ng mommy nya yung cellphone nya dahil nagttext ka. Hindi na siya makasagot nang marinig ang tinuran sa kanya ng kanyang tiyuhin. Allen alam mong may asawa kana diba at nasa hustong gulang kana para sa ganito? Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko na sinabi ng tiyuhin niya.
Oo nga sabihin na nating hindi kayo kasal ng asawa mo pero malaki utang na loob ng pamilya niyo sa kanya baka nakakalimutan mo na? Asawa mo ang nag ahon sayo nung panahong lugmok kayo tapos ganyan ang gagawen mo? Bata pa si Erika para sa tulad mo at malamang hindi pa nya alam na may asawa kang nasa malayo, ha Allen? Matapos kong marinig iyon ay umalis ako at nagkulong sa aking silid. Labis ang aking paghihinagpis at sobrang sakit na aking nadarama. Iyak ako nang iyak na para akong mababaliw sa aking narinig na iyon. Dumaan ang mga araw puro pasakit ang aking naranasan. Sakit ng katawan ang inabot ko sa pananakit sa akin ng aking ina at kinukulong ako sa aking silid kapag nasa Labas ng bahay si Kuya Allen at hindi ako maaaring lumabas. Kinuha nila sa akin ang bracelet na tanging alaala na lamang niya sa akin. Lubha ang aking pagdurusa dahil wala ako masandalan o makapitan maging cellphone ko ay nasa aking ina. Pakiramdam ko noon mga panahong iyon ay magisa ako at walang karamay.
Hanggang dumating ang isa pang masalimuot na weekend sa akin at wala kami pasok, nang biglang may matandang babaeng sumulpot mula sa gate ng aming tahanan. Ina pala iyon ni Kuya Allen. Kasabay niyon ang kaba at takot sa akin na baka saktan ako nito dahil sa relasyon ko sa kanilang anak. Nasaan ang mommy gusto ko siyang makausap? Sarkastikong tanong nito sa akin. Nasa taas po si mommy pakihintay lamang po sandali at dito ay mula ulo hanggang paa nya ako tiningnan na wari bagang sinusukat ako. Maya maya pa ay dumating na ang aking ina pababa ng aming hagdan. Oh,andyan na ho pala kau. Gusto ko lang hong magkalinawan tayo lalo na si Erika tungkol sa inyong anak na si Allen,wika ng aking ina. Na ano po iyon? Maang-maangan kong tanong sa kanilang dalawa. Lumipat ang tingin nilang dalawa sa akin.
Ano bang pumasok sa utak mo hija at pumatol ka sa anak ko? May asawa na ang aking anak at ikaw ang nagpapagulo sa kanyang isipan. Naturingan kang nag aaral sa isang pribadong skwelahan tapos ganyan ka? Mawalang galang na ho,pero wala naman ho akong alam na merong asawa ang inyong anak dahil kung alam ko lang ho hindi ho ako magpapakatanga sa anak ninyo. Anak niyo ho ang pagsabihan niyo.Wag ho ako ang ginugulo ninyo.Malamang na hindi nga iyon sasabihin sayo ng anak ko,pero bilang babae sana marunong ka kumilatis. Bata pa ho ako at anung malay ko sa pangingilatis hayaan niyo sa susunod gagawin ko yan para di na maulit ang pangloloko sa akin gaya ng ginawa sa akin ng inyong anak. At natahimik ang lahat ng saglit at maya maya ay nagsalitang muli ang kanyang ina. Nabalitaan kong bumili si Allen ng bracelet para sayo. Asan na iyon? At nskuha kapa niya ibili imbes na pambili na lang ng sabon panlaba? Na sa akin kinuha ko nakatago Wika ng aking ina. Mabuti naman kung ganun itago niyong maige at wag ibigay sa batang ito. Ineng Maganda ka at matalino wag mong sayangin ang buhay mo,baita ko class officer kapa sa school niyo bilang Business Manager at Tourism ang course mo, magaral kang mabuti para sayo din ang sinasabi ko. Ayusin mo at pag igihan ang kurso mo at layuan ang anak ko kasi sayang ka at kinabukasan mo. Yun lang ang masasabi ko at aalis na ako.
Matapos niyon ay iyak na naman ako ng iyak sa aking silid halos araw araw iyon.kahit hanggang sa pagtulog ko si Allen ang nakikita ako kaya magigising ako biglang maiiyak nalang ako. Pakiramdam ko gusto ko na wakasan buhay ko sa mga nangyayari. Feeling ko down na down ako at wala kakampi. Gabi ay nakita ko si kuya Allen mula sa bintana ng aking silid, galing ang mga ito sa delivery. Kung dati sa amin siya natutulog ngunit nabago ang lahat nang mabisto ang aming relasyon. Pagtapat ni kuya Allen sa bintana ng aking silid ay humito ito at tumingin sa aking bintana pero di ako nagpakita sa kanya.Nakapatay ang aking ilaw kaya marahil isip niyang tulog na ako. Ilan segundo ay umalis na ito mula sa tapat ng aking bintana. Nang dumating ang katapusan ng buwan ay hudyat iyon na ssweldo na sila. Twenty Thousand ang sweldo niya monthly sa amin at sa araw na iyon ay huling sweldo na iyon dahil aalis na pala siya sa kanyang trabaho sa amin at magre-Resign na dw pala ito. Marahil ay ito ang way niya upang maka-move on at makalimutan na namin ang isat isa. Lalo ako nalungkot nun at kinumbinse ang sarili ko na di na siya babalik kahit kelan at tama lang ang ginawa niyang paglayo sa akin para sa ikatatahimik ng lahat ng tao sa paligid namin.
Hanggang sa mabalitaan kong pinagbili nila ang kanilang lupa at bahay sa aking magulang at nagpakalayo layo na sila sa amin. Makalipas ang halos 8 na taon ngayong taong kasalukuyang 2020 ay isang taon na kaming friends sa dalawa kong fb accounts at kinumusta niya ako. "Hello its been a long time since nagkalayo tayo. balita ko may asawa at anak ka na ahh.. musta kana? Ok lang naman po ang aking sagot sa kanyang chat. Kilala mo paba ako? tanong niya sa akin. Hindi po eh sino po ba kayo? sagot ko. Grabe ka naman.. aniya. hahahahha joke lang oo kilala kita.
matapos niyon ay hindi na muli kami nagkausap pang muli pero masaya ako kahit di kami nagkatuluyan dahil may chance na maging magkabigan kaming muli..
WAKAS**