Mahal kong Nanay

0 2
Avatar for shang11
1 year ago

Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal na binigay ng aking ina kahit pamilya namin ay nagka watak watak na.Ang hirap kapag magkaroon ka ng broken family kasi hindi lang mga parents mo ang nasasaktan kundi pati ikaw.Si nanay ginawa ang lahat makakain lang mga anak niya sa tamang oras naging tindera siya ng icebuko sa umaga hanggang hapon tapos pag uwi niya may daladala na siyang pagkain para sa amin ng mga anak niya.Walang makakatumbas ng kanyang pagmamahal ginawa niya lahat makapakain at makapag aral lang kami.Hangang dumating ang araw na kailangan na niya kaming iwan at magtrabaho sa ibang lugar kasi iniisip niya hindi na kasya yung kita niya sa pagtitinda ng icebuko para sa amin .Kaya nagpasya siyang iwan muna kami at dion naman kami sa tatay titira.Tandang tanda ko pa yun Walong taong gulang ako nang umalis ang aking ina dahil kinakailangan talaga pero yung pagmamahal niya saamin hindi kailanman mabubura.

Kung pagpipiliin man ako muli kung sino gusto kung makasama ay yon ang aking ina kasi masarap ang buhay lalo nat Sa tabi mo ikaw ay may NANAY

by:shang

1
$ 0.00

Comments