Buhay ko
Gusto ko lang e kwento ang aking buhay
Ang dinanas kong ayoko maranasan ng mga anak ko ngayon.
Noong bata pa ako sobrang pasaway ako sa mga magulang ko iwan ko ba kung bakit ako naging pasaway kahit na nga nabugbug na ako ng mga kuya ko ay ganon parin ako.Sa pag aaral isa akong swael akala ng mga magulang ko pumasok ako sa paaralan yun pala nasa kaklase lang naglalaro buong maghapon bagsak tuloy sa klasi at nakita ko yung mama ko na umiiyak habang pinapagalitan ako ng aking tatay.
Nagpasya nga si mama na umalis at mag trabaho sa maynila iwan ko ba baka hindi na niya kaya ang ugali ko kaya lumaki ako ng wala sa kanyang tabi.
At dahil sobrang strikto ng papa ko nag aaral na ako ng maayos para iwas ako sa bogbog.Hanggang sa natapos ko ang aking pag aaral sa elementarya at dahil hindi na kaya ng papa ko na mapaaral ako sa highschool nag pasya akong maghanap ng trabaho at mag ipon para next year makapag aral ako or mag working student.At salamat naman nakamtan ko aking pinapangarap na makapag aral kahit mahirap.
Yes ang hirap maging working student dahil halos hindi kana makalakad papuntang school sa sobrang pagud pero kailangan talaga mag trabaho sa umaga mag aral sa gabi.
Noong natapos ko ang aking firstyear parang gusto ko nalang muna tumigil sa pag aaral dahil hindi ko na talaga kaya pag pasabayin ang pag tatrabaho at pag aaral sobra na akong nahihirapan tapos ang payat payat kona that time.Kaya huminto muna ako sa pag aaral at mag tatrabaho nalang.Ilang taon ang lumipas nalaman kung pwedeng mag aral ng ALS kaya nag ALS nalang ako at okay na okay talaga sa wakas nakapag tapos na ako sa highschool .
Ngayon ko lang narealize na hindi talaga tama ang ginagawa ko noong pasaway ako sa mga magulang ko kaya ngayon tinutuwid ko ang mga anak ko at pinapangako ko pag aarali ko sila ng mabuti at hindi nila mararanasan ang nararanasan ko bilang working student.