Hashtag_pisoparasalaptop

0 17
Avatar for sevyle_713
3 years ago

Dahil sa sa pandemyang nararanasan natin ngayon mas naging mahirap ang mga gawain natin lalo na sa pag-aaral. Maraming estudyanteng nahihirap kung paano ba sila matuto at kung paano ba sila makakasali sa kanilang online classes at isa na ako sa kanila.

Ako nga pala si Kyle Joshua Tumaca. Isang mag-aaral sa Mindanao State University-General Santos City at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Arts Major in History. Dahil sa pandemya, hindi na ako nakahanap ng pwede kung mapagtrabahoan sa kadahilanang hindi pa ako nakaabot sa required age para ma-employ. Nakapasok naman ako sa maraming pagkakakitaan noon kahit hindi pa nasa edad kaso nga lang dahil sa pandemya, nagsarado ang mga ito.

Ang tatay ko ay mangangalak, at ang nanay ko naman ay isang kasambahay. Dahil sa pademya, minsan lang din sila nakakapagtrabaho at ang mas nakakapanglumo pa ay mas bumaba ang halaga ng mga kalakal ngayon. Apat kaming magkakaptid at ako ang panganay. Tungkulin kong tulungan ang aking mga magulang sa pagkayod para mabuhay habang pinapanatili sa aking isipan na huwag susukuan ang pag-aaral. At ngayon, ninanais ko na makapagpatuloy sa aking pag-aaral kahit ito ay online based learning. Sa ngayon ako ay naniniharan sa pamilyang tumutulong din sa pag-aaral ko, kahit hindi nila ako kadugo bukas loob nila akong tinulongan ngunit hindi sa lahat ng oras kaya nila akong tustusan kasi may mga pamilya rin sila.

Kaya humihingi ako ng tulong sa mga taong bukal ang loob sa kahit anong halagang perang maitutulong ninyo sa akin. Bawat salapi ay ituturing kong malaking tulong sa aking pag-aaral.

#pisoparasalaptop

3
$ 0.00

Comments