Kaya sobrang importante talaga na palagi tayo magpray kay Lord, imposible man sa tingin ng iba, sa Kanya hindi. Iba iba man tayo ng prayer, pero sigurado ako lahat yun naririnig ni Lord. May mga prayer na hindi agad nasasagot dahil una, baka kailangan mo munang matutong maghintay. Pangalawa, baka may gusto si Lord na matutunan ka, at Pangatlo, baka hindi ito para sayo dahil may mas magandang plano si Lord na mas better doon sa prayer mo. Kahit alin man diyan sa tatlo, ang mahalaga, nagtitiwala ka kay Lord.
Sama sama po natin ipanalangin na mawala na ang pandemyang ito. Maniwala po tayo sa Panginoon na walang imposible sa Kanya, at kaya Niyang gawin ang lahat. Katulad ng panalangin ni Joshua, maniwala tayo na sasagutin din tayo ng Diyos, maghintay lng tayo sa Kanya.
Habang naghihintay, gawin po muna natin ang gustong ipagawa ng Diyos sa atin.
Una, kilalanin natin Siya ng mabuti (Simulan natin sa panalangin at pagbabasa ng Bible). Pangalawa, sumunod tayo sa utos Niya at gawin ang mga bagay na nagoglorify at nao-honor Siya.
Pangatlo, ipakilala natin si Lord doon sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Kanya.
walang ibang makakapagligtas sa atin kung hindi ang panginoon lamang.