The Lord answered,
"Could a mother forget a child who nurses at her breast? Could she fail to love an infant who came from her own body? EVEN
IF A MOTHER COULD FORGET, I WILL NEVER FORGET YOU". - Isaiah 49:15
Posible nga bang makalimutan ng isang ina, ang isang anak na nanggaling sa kanya?
Hindi ko alam ang sagot pero alam ko na kahit iniwan ka, kinalimutan ka, meron pa ring isang taong hinding hindi ka makakalimutan, hinding hindi ka iiwanan, at hinding hindi ipaparamdam sayo na hindi ka kamahal mahal.
Kung hindi man naging perpekto ang pamilyang kinagisnan mo,
Kung hindi mo man maramdaman na minahal ka nila,
Kung hindi mo man maramdaman na tanggap ka,
Kung hindi mo man makita ang saysay mo dito sa mundo,
Sa Diyos, sa Diyos, sa Kanya mo makikita ang lahat ng hinahanap mo.
Kalimutan ka man ng lahat, kahit mismong pamilya mo, ang Panginoon, hindi.
Hindi ka pa man isinilang dito sa mundo, minahal ka na Niya.
Kaya wag mong isipin na hindi ka kamahal mahal, kasi mahal ka ng Diyos.
Kung hindi ka tanggap, palagi mong isipin na may Diyos na tatanggap pa din sayo, kahit sino ka man, kahit ano pa man ang gjnawa mo.
Meron kang saysay dito sa mundo, wag mong isipin ang sinasabi ng iba na wala kang kuwenta because you are worth it. You are worth it in the eyes of Jesus.
Huwag mong sukuan ang buhay mo. Hindi mo man makita sa pamilya mo ang hinahanap mo, sa kamay ng Diyos makikita mo. Alam mo ba why He sacrifices His life for you? Kasi mahal ka Niya. At gusto Niya na pahalagahan mo yung buhay na binigay Niya sayo. Wag mong sayangin. Wag mong sayangin ang ginawa ng Diyos para sayo.
Lumaban ka, lumaban ka kasama Niya.
We have to walk by faith to possess all that is duly ours. Ask.. Believe.. Receive.. ❤️