Kung inaakala mo na di ka kayang patawarin ni Lord sa kasalanan na nagawa mo.
Nagkakamali ka.
Tandaan mo, hindi solusyon ang pagtatago ng kasalanan at mas lalong di solusyon na ilayo mo ang sarili mo sa Panginoon.
Dahil ang mabisang solusyon ay lumuhod ka sa paanan ni Hesus at ilagay mo sa Kanyang kamay lahat ng kasalanan na gusto mong isuko sa Kanya.
Dahil sa paghingi mo kapatawaran, doon ka din patatawarin ng Panginoon.
- 1 John 1:9
If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.
Lagi natin Siyang kasama kahit saan, kaya dapat di natin siya nakakalimutan. Huwag kalimutang manalangin, magpasalamat, himingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan at humingi ng gabay.