Katulad ni Jesus Christ, ipinagkakatiwala mo din ba ang buhay mo sa Diyos?
May iba na natatakot? May iba na hindi alam ang sagot kasi paano nila ipagkakatiwala kung hindi nila nakikita?
Kung hindi nila maramdaman?
Ganyan din ako dati, ang dami kong tanong. Isa na diyan ang "Totoo ba talaga ang Diyos? Bakit minsan tinatawag ko Siya, pero bakit walang sagot?"
Pero naramdaman ko kung gaano Niya ako kamahal, kung gaano Niya ako tinanggap sa kabila ng mga kasalanan ko sa Kanya, sa sarili ko at sa ibang tao. Naramdaman ko kung paano Niya ako pinatawad. At doon nagsimula akong ipagkatiwala ang buhay ko sa Diyos. Hindi madali kasi the more na mas malapit ka sa Kanya, the more na susubukin ka kung totoo na ba tablaga ang faith mo. May mga pagkakataon na mahirap, nagagawa ko pa ding mag disobey, pero ang Diyos hindi Niya ako sinusukuan, kahit ang hirap kong intindihin, makulit ako, mareklamo pero hindi Niya ako iniwan, minahal Niya pa din ako sa kabila ng lahat. Salamat sa Lord, kasi kahit makasalanan akong tao, hindi Niya ako hinayaan na mabuhay sa kasalanan. Binago ako ng Diyos, oo ngayon I am work in progress but the Lord is with me, to help me para mabuo ako.
Hindi mo Siya kailangan makita para mapatunayan mong totoo nga Siya. Kasi sa umaga palang paggising mo, napatunayan Niya na agad yun, kung hindi Siya totoo, baka wala na dn tayo dto sa Mundo. Baka hanggang ngayon, hindi mo na nagagawa ang mga gusto mo. Kung hindi mo Siya maramdaman, its because until now you are living with guilt, with sin. Kahit feeling mo wala kayong connection ni Lord, yung love Niya sayo hindi mawawala. At kung hanggang ngayon may prayer ka na feeling mo d pa nasasagot ni Lord, dahil yun sa gusto Niya matuto ka maghintay. Wag tayong maging mainipin, hindi lahat ng prayers ay agad agad nasasagot ng Lord. Tahimik Siya, kasi may plano Siya para sayo. Gusto Niya na matutunan mo kung paano ipagkatiwala sa Kanya ang lahat.
Rejoice always, pray continually,give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus. 1 Thessalonians 5:16-18
sa panginoon ko lang ipinagkakatiwala ang buhay ko.higit kanino man sa mga nilalang na nabubuhay dito sa sanlibutan.