Scripture:
Genesis 2:19 Now the Lord God had formed out of the ground all the wild animals and all the birds in the sky. He brought them to the man to see what he would name them, and whatever the man called each living creature, that was its name.
"Ang toxic, Nakakasawa na, Gusto ko na magresign" Madalas maririnig mo yung mga salita na yan sa mga kaibigan, kaklase o kamag-anak mo.
Gusto ko lang ipaalala na this verse, una palang, binigyan na ng task ni Lord ang tao. Yun yung pagpapangalan sa mga bagay sa mundo.
It means na kung ano man ang trabaho natin ngayon, binigay ng Diyos sa atin. Maging sa trabaho, o sa ano pa mang bagay. Gawin natin ang isang bagay para kay God.
Kasi nga we are here to please God not people. Mas mahalaga ang Diyos sa kahit ano pa mang bagay sa mundo.
If magiging ganito lang ang mindset natin. Hindi na tayo makakarinig ng "Ang toxic, Nakakasawa, o gusto ko ng mag resign" na salita.
"Its not what we do that makes the difference, its Who we do it for."
In the middle of this pandemic, mahirap talagang humanap ng trabaho. Ma swerte ka nalang if may trabaho ka pa ngayon.
Gusto ko na magresign, lumipat ng company, mag abroad kasi repetitive na yung work ko, wala ng growth.
Minsan kasi naka focus tayo sa wala tayo kaysa sa bagay na meron tayo.
Totoo na yung desire ng tao ang sumisira ng relationship nya sa Diyos. Dahil yung desire na ito pag hindi nya nakuha baka masabi nya "may Diyos pa ba?"
Nilagay ka ng Diyos sa sitwasyon na may matututunan ka. If may desire ka man. Pangarap sa buhay. Ibibigay yan sayo in the right time. Basta walk with God, sasamahan ka Nya sa journey mo.
According to Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you.