Pinagtagpo pero hindi tinaghana

0 8
Avatar for serchief
3 years ago

Unang kita palang sayo nabighani na ako

Bawat bukas ng bibig at kindat ng mata mo

Hinihipo ang malambot kong puso

Mahal na ata kita, yan ang nasambit ko.

Nung una naaalala ko pa

Masaya pa tayong dalawa

Ako at ikaw lang magkasama

Wala pang iba.

Halos napupuyat sa mga chat sa isat isa

Hinihintay na dumating ang araw na

Makakasama ulit kita

Pagkat anong saya pag ikaw ay nakikita

Akala ko ikaw na ang pupuno

Sa pusong kong unti unting gumuguho

Pero bakit naman ganoon

Mas masarap pang tanawin yung noon kesa ngayon?

Dati, naiisip ko na na ikaw ang aking makakasama

Sa buhay na puno ng saya

Walang problema

Ikaw at ako lang ang mahalaga

Nasan ka? Pina asa mo lang ba ako

O nag expect lang na mahal mo din ako.

Tama nga sila

Maraming namamatay sa maling akala.

Bakit ganoon?

Kung sino pa yung seryoso sya pa yung niloloko

Tapos pag napaiyak kayo

Ang sasabihin nyo lahat ng lalake manloloko

Nandto pa kami.

Mga loyal na katulad ko at ng nagbabasa nito

Wag nyong lahatin guys

Marami din nman mga boys na nice.

(bars yan. hahaha)

Heto ako ngayon nagsusumikap

balang araw maiisip mo rin.

Panghihinayangan na hindi ako

Yung lalaking nakasama mo

Balang araw masasambit mo nalang

na sana ako nalang

Na swerte ng babaeng napangasawa ko

Dahil may isang ako na loyal sa mundo.

5
$ 0.00

Comments