Oras.

2 19
Avatar for serchief
4 years ago

Mabilis at mabagal yan ang tingin natin sa oras. pero kung pahahalagahan natin ang bawat minuto segundo at oras ay hindi natin maiisip ang mga bagay na iyon

Ngayong pandemic ay nakikita natin na madami na pala tayong oras ang nasasayang na hindi natin nakakapiling ang mahal natin sa buhay.

Kung marunong lang tayo magpahalaga at mag appreciate ng mga bagay at marunong bumalanse ay wala tayong panghihinyangan.

Ang oras na binibigay sayo ng Diyos ay gamitin mo sa mabuting bagay. Gamitin mo para maka impluwensya ng tao sa tama hindi ikaw ang maaakit ng impluwensya sa mali.

Pahalagahan mo kung ano ang binigay nya sapagkat madali din nya ito bawiin. ngayong pandemya narealize ko na kayang bawiin ng Diyos ang ating buhay sa isang iglap lamang.

Kapatid kung ikaw man ay nakakabasa nito. Magbago ka na. at sumamba sa Diyos. Mahal ka nya at mahalaga ka sa kanya.

Huwag mo sayangin ang oras sa mga bagay na wala naman kabuluhan. Sa halip ay gamitin mo ito para mapagyabong ang iyong sarili.

Konti nalang ang buhay natin sa mundo . kapatid mabuhay ka hanggang gusto mo pero huwag mo talikuran kung saan ka nanggaling.

Mahalaga ang oras para sa mga taong responsable at alam ang kanyang mga obligasyon sa buhay. Hindi ka nabuhay para mamatay lang din hanapin mo ang purpose mo. kapatid may oras pa.

Salamat

9
$ 0.00

Comments

Tama ka kaibigan. Ang oras ay mahalaga! Kaya gamitin natin ito sa tama. At sa pagkilala sa Diyos.

$ 0.00
4 years ago

Ang bawat ginagawa natin ay naka record sa orasan. Kung ano ang mga nagawa mo at kung ano mga ginawa mo sa loob ng minuto o segundo sa oras na iyon.

Marahil ang orasan ay wala pang kataposan . Umiikot lang ng 24/7 pero ang buhay natin ay merun. Pag nasira ang irasan etoy titigil at di na muling aandar pa. Kagaya ng ating buhay. Salamat

$ 0.00
4 years ago