Noong ako ay bata pa

2 11
Avatar for serchief
3 years ago

Masarap balikan lahat ng ala ala nung tayo ay bata pa. Walang problema. basta maglalaro kalang at excited tayong mag umaga ulit at ayaw natin na sumapit ang bawat hapon sapagkat magkakahiwalay na naman tayo ng ating mga kaibigan.

Masarap alalahanin na wala pang masyadong iniisip. walang bills na dapat isipin, walang trabaho na poproblemahin. Pero ganun talaga siguro habang tayo ay lumalaki at tumatanda, buminigat din yung mga responsibilidad na umaakbay sa ating mga balikat.

Mahirap talaga ang transition ng buhay na para bang ang bilis ng panahon na parang kelan lang ay bata pa tayo at walang pinoproblema ngunit ngayon ay sinasampal na tayo mismo nito.

Nakakalungkot lang isipin na kailangan natin pagdaanan ang mga problemang ito. Basta ang alam ko ay maging responsable lang tayong tao magkaron ng takot sa Diyos at hindi tayo maliligaw.

7
$ 0.00

Comments

ito yung nilalaro kodin nung kabataan ko, wala pang cellphone kaya natuto din makahalubiro sa iba :)

$ 0.00
3 years ago

Nakakamiss maging bata, yung tipong wala kang problemang iisipin. Kase ngayon halos pasan mo na ang mundo sa bigat ng problemang kinakaharap natin☹️

$ 0.00
3 years ago