Masaya ka ba?

0 10
Avatar for serchief
4 years ago

Why waste your money on what really isn't food? Why work hard for something that doesn't satisfy? Listen carefully to Me, and you will enjoy the very best foods.

- Isaiah 55:2

Bakit ka nagtatrabaho?

1. Para makatulong sa pamilya.

2. Para may pang aral sa mga anak.

3. Para may pangbili ng mga materyal na bagay na gusto (cellphone, o mga latest na gadget na mga nauuso ngayon)

4. Para makaipon for future plans, magkaroon ng bahay, negosyo o kung ano pa.

5. Para may pang travel.

Ano man ang rason mo kung bakit ka nagtatrabaho, ang tanong ay:

"Masaya ka ba sa kung anong ginagawa mo ngayon, bakit parang may kulang pa din?

Hindi naman masamang magtrabaho, kasi alam mo naman kung ano yung goal mo. Matulungan ang pamilya mo. Mapag aral ang mga anak mo. Mabili ang mga gusto mo. Makaipon ka din for your future plans. Makapagtravel kahit minsan.

Pero bakit sa tuwing natatapos ang araw, may lungkot ka pa din? Bakit hindi buo yung saya, samantalang alam mo naman kung para saan ang ginagawa mo?

May iba sa atin na alam na parang may kulang. May iba naman na pinagsasawalang bahala nalng, go with the flow lng kumbaga. Pero hanggang kailan ka magiging ganyan?

Mahirap yung ganyang sitwasyon, actually.

I've been there before, at alam mo yung pakiramdam na d mo mapin point kung saan, bakit may kulang pa din. Nakakafrustrate!

Pero nung tinanggap ko ang Diyos sa buhay ko, pinarealized Niya sa akin na Siya lng ang kayang magpuno ng mga needs ko. Na Siya lng ang makakapagpakompleto sa akin. Na sa Kanya ko lng matatagpuan yung true satisfaction na hinahanap ko. Na kahit ano pa ang gawin ko, kung hindi para sa Kanya, it is nothing. Magpifail at magpi fail pa din ako.

Hindi man tayo perpektong tao, pero gawin natin yung mga bagay na maghahatid palagi ng joy sa atin, yun ay ang pagsunod sa Diyos. Yun ay ang paggawa ng mga bagay na nao-honor at nagoglorify Siya. Kasi at the end of the day, Siya lng yung makakapagbigay ng totoong kasiyahan na hinahanap natin.

1
$ 0.00
Avatar for serchief
4 years ago

Comments