Mahirap maging Mahirap

0 190
Avatar for serchief
4 years ago

Lahat tayo may pangarap. May mga nagtatagumpay at may mga nananatiling pangarap nalang. Alam ko kung gaano kahirap ang buhay. saksi ako sa mga struggles at problema. mas malala pa kung mahirap ka dahil ang pangunahing problema mo ay pera.

Ang pangarap ang nagsisilbing pagasa natin. Libre ang mangarap. wag ka tumigil abutin ito. sapagkat ito ay para sa iyo at hindi para sa ibang tao. huwag kang papaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Tandaan mo nangarap ka para sa pamilya mo hindi para sa ibang tao.

Mahirap. sobrang hirap. yung galing ka sa hirap tas unti unti mong tutuparin pangarap mo. unti unti mong bubuuin ito alang alang sa hinaharap mo. Mahirap pero pag nagsumikap ka Yung hirap na yon ay mapapalitan ng sarap.

Wag tayon magalit sa mga mayayaman sapagkat sila ay nagpursige sa buhay. nabuhay silang mahirap pero namatay silang mayaman. Mas nakakatakot pa yung nabuhay kang mahirap tapos namatay kang mahirap dahil wala kang nagawa. wala kang nagawa para tuparin mo ang pangarap mo. Huwag mo sisihin ang iyong mga magulang dahil hindi sila ang may problema. Kapatid. laban mo na yan hindi yan laban ng ibang tao.

Masakit isipin na marami ang nangangarap noon pero nabubulag sa mga pangyayari ngayon. Ikaw lang ang tutulong sayo. sa buhay mo. tsaka na ang pag ibig na ibibigay sayo ng Diyos. Huwag mo sambahin ang taong wala naman ipapakain sayo. Huwag mong sambahin ang taong hindi naman nagpalaki sayo. bigyan mo ng halaga ang mga bagay na nagbigay sayo ng kulay sa mundo ang taong gumabay sayo, ang mga magulang mo.

Huwag kang mabuhay sa sariling mong imahinasyon. idamay mo sa pangarap mo ang magulang mo sapagkat bata pa lang ay nandyan na sya para sayo. Mahal ka nya. di ka nya iiwan kahit iwanan ka ng mga tao da mundo. andyan lang sya sa tabi mo.

Mangarap ka hindi para sa sarili mo kung hindi para sa magulang mo na hindi natupad ang mga pangarap.

Mahirap maging mahirap.

Pero mahirap yung walang pangarap.

3
$ 0.00
Avatar for serchief
4 years ago

Comments