Sila yung taong andyan lang palagi. iwanan ka man ng lahat siya ay nadiyan pa rin para supotahan ka sa lahat ng mga adhikain mo sa buhay. Sila din ang dahilan kung bakit ka nangarap ng matayog dahil sa gusto mong maging maginhawa ang kanilang buhay habnag sila ay tumatanda. Gusto mo i enjoy nalang nila ang buhay at hindi na sila maghanap buhay para mabuhay. madami, madami talaga tayo maiisip pag narinig natin ang salitang magulang. Dahil ang pangarap mo ay pangarap ma din ng magulang mo. Ang mga lagapak mo mas doble ang sakit sa mga magulang. Pero ang tayog ng lakbayin mo at makamtan mo ay siya rin tayog nila sapagkat sila ang representasyon mo. Magulang ang unang nag uraga sayo ang nagtayo sayo sa tuwing ikaw ay madadapa noong bata. ang humubog ng buo mong pagkatao at ang unang unang maniniwala sayo kahit wala ka ng kakampi sa mundo. Magulang ang siyang first love mo. kung ano. ang pinapakita mo sa magulang mo ay yun ay magbubunga ng maganda sapagkat loob iyon ng Diyos. Mahalin mo ang iyong magulang at sundin mo lahat ng payo nila para hindi ka maligaw ng landas.
1
7
Sana ay mapahalagahan natin ang ating mga magulang at huwag kalimutan ang mga aral at pag mamahal na binuhos nila sa atin upang tayo ay mahubog kung ano man ang katauhan natin ngayun