Battery

1 5
Avatar for serchief
3 years ago

Nakakapagod minsan sa buhay natin. Madaming toxic sa buhay at talagang panghihinaan ka ng loob. Marami mga magsasabi sayo ng mga tama at mali mo meron naman na huhusgahan ka agad kahit di pa nila alam ang sitwasyon.

Mga matang mapanghusga at tila matutunaw ka sa mga tingin at makukuliling sa mala armalite nilang mga bunganga. Nahusgahan ka na kahit di ka pa kilala.

Nakakasama ng loob dahil kailangang pa nila gwin iyon para makapanira ng kapwa nila at ang mas malala ay mas masaya sila sa mga bagay na iyon kapag nagagawa nila.

Tila mga praning at may sakit sa utak dahil sunod sunod at walang katapusang mga chismisan ang bumabalot sa buong umaga nila na tila ba hindi makukumpleto ang araw nila kapag wala silang pinag usapan.

Maagang maaga palang ay talagang chismisan na ang kanilang inaatupag at hindi ang kanilang mga personal na buhay.

Nakakasawa sa buhay, para tayong battery na nalolobat din. pag nalobat ay di na gagana. Pero kahit papano sana ay matuto tayo magrecharge katulad ng batterya.

6
$ 0.00

Comments

ganda nito , nakaka relate ako, ako pag ganyan mga tao sa paligid ko nilalayuaan ko yan, dahil wala din naman ako makukuha na maganda sa kanila , sakit nila sa tenga, kaya nga mas gusto mag isa kisa makisalamuha sa tulad nila 😒😒

$ 0.00
3 years ago