How Covid19 Affected Us

1 23
Avatar for semft
Written by
3 years ago

Lahat tayo ay apektado nitong pandemic, kaya ibabahagi ko ang napagdaanan ng aming isla dito.  

February 2020 ng maglabas ng executive order ang aming Municipal Mayor na ang lahat ng mga papasok na turista dito sa isla ay kailangang sumunod sa health protocol, which is mag undergo ng pagcheck ng temperature at pag log in sa entry points. Yon na ang time na masyado ng madaming cases sa China at pinag iingat na ang buong Pilipinas.

Despite sa mga pangyayari, madami pa din ang mga turistang bumibisita dito sa bansa, particularly sa Boracay. Kaya dagsa din ang mga turistang  nag island hopping and landtour dito sa aming isla mula sa Boracay.

Dumating ang March 18, at nag issue ng executive order ang aming gobernador dito sa probinsya ng Romblon na magkakaroon ng 1 week lockdown ang buong isla ng Romblon, walang lalabas at walang pwedeng pumasok sa isla namin. Sinundan ng Presidential Declaration na i-put under ECQ ang buong Pilipinas, naparalize ang buong Pilipinas, lalo na ang aming buong isla. Walang pasok ang mga offices at lahat ng establishments. Work from home ang buong Local Government Unit, ngunit ang aming opisina, Local Disaster Risk Reduction and Management ay nagsimula ng makipagmeeting sa mga barangay para makuha ang listahan ng kanilang buong nasasakupan. Ito ay para makapag procure ng relief goods para mabigyan ang lahat ng mga taga isla.

Matindi ang daing ng mga taga isla sa social media ng mga panahong iyon, may mga nagsasabing wala na silang makain dahil nga nawalan sila ng trabaho (3 weeks nakaraan ang lockdown), may mga nagsasabing hindi sila mamamatay sa virus pero sa gutom,mamamatay sila, may mga nagmamakaawa din na makauwi dito sa isla dahil nasa ibang lugar sila. Nakakaantig damdamin ang mga nababasa sa social media ng mga panahong iyon pero may mga tao din naman na todo pa rin ang batikos sa pamunuan ng aming isla ng mga time na yon(nature na talaga ata ng mga tao).

Last week kami ng March nagsimulang magdistribute ng relief goods. Naka apat beses kaming nagdistribute, galing sa iba ibang funds. Yong una ay galling sa 30% DRRM Fund, 3 kilong bigas, 4 na kape, 3 milo, 3 sardinas at 3 corned beef ang inclusion ng bawat pack. Pangalawa ay galing sa Province level na fund, bigas na 8 kilos at sardinas na 10 ang laman ng pack. Pangatlong distribution namin ay 25 kilos na bigas, galing sa Bayanihan, We Heal as One Act na pondo. Last na distribute naming ay 25 kilos rice din, galing sa realigned 20 % Development Fund ng bayan namin. Lahat ng mga pamilya dito sa isla ay nabigyan.

25 kilos rice for distribution
Repacking of relief goods

Matinding pagsubok din ang naranasan ng aming isla dahil isa sa aming constituent ay nagpositive sa COVID19, isang matandang Amerikano na matagal ng naninirahan dito sa amin. May pneumonia kasi talaga syang sakit, at since malapit kami sa mainland ng Aklan, doon nirefer para sa pagpagamot. Natest sya sa COVID doon at positive ang naging resulta. Siya ang kaunaunahang case ng COVID 19 dito sa buong Romblon at sa buong Aklan kaya matindi ang mga salitang narinig namin ng time na yon. Grabe ang diskriminasyon at halos pinabayaan ang aming pasyente sa hospital dahil sa sobrang takot nila sa COVID. Nilockdown ang buong isla, ayaw kaming pabilhin ng aming basic commodities sa Caticlan, Aklan at Sta. Fe, Romblon, mismong kapwa naming taga probinsya ay pinandidirian kami. Dahil isla kami, umaangkat pa kami ng aming basic commodities sa aming karatig isla. Naranasan ng aming mga boatmen na hindi sila pinababa sa pumpboat para bumili, kaya umuwi ang mga boatmen na walang dala. Nadanasan nila yon ng 3 araw, so nagkaubusan ng supply dito sa aming bayan noong time na yon. Sobrang hirap ang nadanas naming sa loob ng 3 weeks na may positive kami, madaming nagbash sa amin sa social media, grabe ang pang dadown sa amin noon. Kinaya namin lahat ng mga masasamang salita na narinig namin hanggang sa gumaling at nakauwi ang aming pasyente.

Pero madaming mga blessings din ang natanggap ng taga isla, mapa-pera man o food packs. Madaming donations ang nagdatingan noong nalamang nag hard lockdown dito sa amin. Donations galing sa government agencies, private companies, non-government organizations and good hearted individuals.

Madami ding mga nagtatrabaho ang naapektuhan. Mostly ng mga taga dito sa amin ay related sa tourism industry and trabaho. Karamihan ay employed sa karatig isla namin na Boracay Island. Nagsarado ang lahat ng establishments din sa Boracay, walang mga turista kaya nawalan sila ng trabaho at ang worst pa ay hindi sila makauwi dito sa isla dahil sa lockdown. Kaya naman ang local na pamahalaan namin ay nag initiate na mabigyan sila ng ayuda sa pamamagitan ng cash assistance. Halos 1500 na displaced workers ang tumanggap ng tag iisang libong piso na cash assistance mula sa Local Government Unit- San Jose, Romblon.

Dahil sa kawalan ng trabaho ng mga tao, at dahil sa gutom, nagsimula silang maghanap ng makakain. Nagsimula silang maghukay ng mga ligaw na root crops gaya ng “balyakag” at“sap-ang”. Ito ang naging pantawid gutom nila. Ipinagbili din po nila ito sa murang halaga para lang magkapera.

 May good thing din na dala itong pandemic dito sa amin, natuto ulit magtanim ang mga tao. Nagkakaingin ang iba, nagtanim ng palay, kamoteng kahoy, mais, kamote at mga gulay. Natuto silang magsideline na tinatawag. Nagbebake ang iba, nagluluto ng ulam at ibinibenta.

Likas na din talaga sa mga Pinoy ang will to survive, naghahanap at naghahanap talaga tayo ng paraan para mabuhay ang sarili pati ang mga pamilya natin.

Lumubo din ang positive cases ng COVID19 dito sa amin 3 buwan na ang nakararaan ngunit sa awa ng Diyos, gumaling naman lahat.

Medyo hirap pa din dito sa amin sa kasalukuyan since down pa din ang tourism industry kaya ang mga tao ay naluwas ng Manila para mamasukan. Medyo mahigpit pa din ang travel restrictions pero nakakabyahe naman kahit papaano. Dalangin namin na matapos na itong madali ang pandemya para mabalik na ang dating sigla ng isla at ng mga tao dito.

semft 4:50pm October 1, 2021

 

3
$ 0.01
$ 0.01 from @Salie23
Sponsors of semft
empty
empty
empty
Avatar for semft
Written by
3 years ago

Comments

Now,we are facing pandemic situation worldwide. And most of the people now know how it affected people and how we can pass our lifestyle. Hope,everyone maintain the process.

$ 0.00
3 years ago