—
"Hi kyaaah! " chat sakin ng isang babaeng kilala ko sa real world.
Siya lang naman kasi yung niligawan ko ng isa't kalahating taon pero sa huli ay iba pa rin ang sinagot. Sino nga ba naman ako diba? We were teenagers back then and naiintindihan ko na mas angat ang looks kaysa sa personality kapag ganyang mga edaran pa lang. 20 na kami pareho at nagtatrabaho na ko samantalang siya naman ay graduating sa kaniyang kurso.
"Hi din! " reply ko sa kanya habang nagsusulat ng ipanga-update ko mamaya.
"Silent reader mo po ako,"
"Ang gaganda po ng mga stories at poems niyo," magkasunod niyang tipa sa kaniyang messenger.
"Salamat, I appreciate it po," nung sinabi niya yun ay parang gusto ko nang magpakilala ngunit naalala kong diring diri pala siya sakin simula nung una pa lang.
"Ahm, pwede po ako humingi ng tulong?" sagot naman nito.
"Ano iyon? kahit ano binibini," reply ko habang malapit ko nang matapos ang aking ginagawang kwento.
"Papagawa po sana ako ng poem."
"About moving on po, thank you in advance,"
"Kundi lang naman nakakaistorbo," sunod sunod nitong mensahe.
"Oh sure! Kailan mo ba kailangan?" sagot ko at tila unti unti ay bumabalik ang aking nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung paano pero hindi naman yata talaga ako nakamove on sa kanya. Paano ko magagawa yung tulang yun e mismong sa sarili ko hindi ko ma-apply. Napabuntong hininga nalang ako nang makatanggap muli ng reply niya.
"Salamat po yiieee. Ambait niyo naman po, sana makita ko kayo in person para personal na makapagpasalamat, " Kahit wag na, pagsisisihan mo lang, bulong ko sa aking sarili.
Hindi nagtagal ay madalas na siyang nagpapatulong sa akin pag may gagawing poems, essays or short reviews etc. In short, naging ghost writer niya ako. Ang tanga ko lang sa point na napapapayag niya pa rin ako sa kung anong kanyang gusto. Parang hindi ko na kontrolado ang katawan ko kapag siya na ang nagmando. At dumating pa sa point na niligawan ko siya gamit itong account ko upang itago ang tunay kong katauhan na in the first place, I just want to promote my works without criticising my face. Kaya nagtatago lang ako sa aking pen name.
Napasagot ko siya, sa tagal kong hiniling sa Maykapal. Naging kami, syempre hindi pa rin niya alam kung sino talaga ako. Halos lahat ng poem at stories, tungkol na sa kanya, tungkol na sa aming dalawa.
Three months na kami nung hiniling niya na makita na yung mukha ko at dalhin na daw namin sa real world yung relationship na nabuo namin dito. Magkahalong saya , kaba at takot ang nararamdaman ko. Na baka kapag nakita na niya ako ay umalis nalang siya bigla. Na malaman niya na yung sinagot niya dito ay yung pinandidirian niya noon.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, ngunit sa huli'y napagdesisyunan kong sumugal, sa ikalawang pagkakataon.
"Happy Third Monthsary Babe!" bati ko sa kanya at sabay send ng ginawa kong tula sa loob ng isang linggo para sa kanya.
"Happy Third Monthsary din babe! Your words never failed to make me smile everytime na ginagawan mo ako ng poem. And may good news ako sayo,"
"Pwede na daw ako magkaroon ng kasintahan at ikaw yung gusto kong ipakilala sa kanila," magkasunod nitong reply na tila ba sobrang excited.
Nagaalangan pa ako nung una pero, eto na yun. Ito na yung pagkakataon ko.
"Total, malapit lang naman tayo sa isa't isa, meet me at little Tagaytay. Sa park na paborito mo. I want you to saw me there," sabi ko naman ngunit hindi pa rin maialis ang kaba sa aking dibdib.
"Okay babe! I'll see you there at 6pm. Don't be late huh. Mwa," alas dose na ng tanghali noon at naghanda na ako ng susuutin at ng surpresa para sa kanya. Alas singko ay nakahanda na ang lahat, nagbihis na ako ng semi-formal na damit at humarap sa salamin.
'Putspa! Ang panget pa din,' bulong ko sa sarili at inayos pa ng kaunti ang buhok.
5:45pm
Maaga aga ako ng kaunti kaya naman ay naupo muna ako sa isa sa mga bench ng nasabing parke. Maya maya pa ay nakita ko na siyang paparating, lumilingon lingon sa paligid at agad binuksan ang kaniyang cellphone.
"Hi babe! I'm here na at our meeting place. Anong kulay ng suot mo?" mensahe nito.
Bigalang bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula akong pagpawisan kahit na napakapresko naman ng hangin. Sobrang kinakabahan pa rin ako sa magiging reaksyon niya.
"White plain t-shirt, black skinny jeans," tanging naireply ko sa kanya at agad tumayo sa aking kinauupuan. Marami ring nakaputi rito kaya hindi niya ako agad napansin at lumapit mula sa kaniyang likuran.
"Yvonne," bigkas ko at agad naman siyang lumingon sa akin.
"Uy, Niall! Napadaan ka rito," bati niya sa akin.
"May nakita ka bang lalaking nakaputi tapos..." hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng ipinakita ko ang aking cellphone sa kanya na naglalaman ng aming conversation.
"Huwag mong sabihing...?"
"Oo, ako nga Yvonne." napayuko naman ako sa tono ng boses niya. Alam ko na na mangyayari ito. Hindi pa rin niya ako matatanggap sa kabila ng lahat. Unti unti nang pumapatak ang aking luha ng bigla akong may naramdamang mainit na bisig na yumapos sa aking katawan.
"Ssh! Bakit ka umiiyak? Hindi na ako yung dating Yvonne na mahilig sa gwapo," iniangat niya ang aking ulo at pinunasan ang luhang nagsimula nang pumatak sa aking mga mata. Pagkatingin ko naman dito ay agad itong ngumiti.
"So, sinasabi mo na panget ako?" malamig kong tugon habang pinipigil ang namumuo nang ngiti sa aking mga labi.
"Oo panget, kasi umiiyak ka," sambit naman nito nang hindi ko napigilang ngumiti.
"O diba! Ngiti ka lang palagi para palagi kang gwapo," dagdag pa nito.
"So ano? Tara na? Babe," napakagat naman ako ng labi sa sinabi ko.
"Ayusin mo muna yang hitsura mo, para kang batang inagawan ng candy," sagot naman nito.
"Ganito ulit makikita mo kapag nawala ka pa sa 'kin, " hinawakan ko ang kamay niya at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"Hindi pa rin ako makapaniwala, Ms. campus crush, heartbreaker ng taon, at maldita ng dekada ay sa panget na katulad ko lang pala babagsak," sabi ko at agad na napatawa sabay hampas naman niya sa aking braso.
"Tara na, baka hinahanap na tayo nila mommy," anyaya nito at naglakad na kaming magkahawak ang kamay.
"Tara! Excited na din akong makita yung future in-laws ko," sagot ko naman sa kaniya ng nakangiti.
End.
Uyy hindi na masakit hahhahahahahahahaa Ganda lodicakes :)