—
"Mr. Manlangit, bakit late ka nanaman? Ano nanamang excuse ang sasabihin mo sa 'kin ngayon?" sermon ng gurong agad bumungad kay Jacob na nakayukong pumasok ng klase. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa kanyang upuan nang muling magsalita ang kanyang guro.
"Sa susunod na ma-late ka, ipapatawag ko na magulang mo, understood me?" iritableng sambit ng guro at isang mahinang tugon lang ang isinukli ni Jacob rito.
"Y-yes ma'am, m-marami lang po tal—"
"Enough of the excuses, lumapit ka dito sa blackboard at sagutan mo ang yung number 1 sa asignaturang ibinigay ko sa inyo kahapon. " agad namang lumapit si Jacob sa blackboard habang pinagbubulungan ito ng kanyang mga kaklase.
"Gagawa nanaman siya ng kapalpakan, here it comes," bulong ng isa nitong kaklase saktong pagdaan ni Jacob sa harapan nito.
"Hindi ka pa nasanay, he's a total loser, remember?" dagdag naman ng katabi nito ngunit hindi nalang ito pinansin ni Jacob at dumiretso na at kinuha ang chalk at tinignan ang nakasulat sa kaniyang kwaderno. Nang matapos na ito ay dumiretso na kaagad ito sa kanyang kinauupuan. Sa hitsura nito'y mukhang hindi ito sigurado sa kanyang isinulat sa pisara at hinihintay ang reaksyon ng kanyang guro.
"Who got the same answer?" tanong nito sa kanyang klase, bilang lamang sa daliri ang nagtaas ng kamay. Si Harra, ang top 1 ng klase at isa rin sa mga pinakakilalang estudyante sa buong campus ay isa rito.
"Oh my God! Seriously class? Aapat lang ang nakatamang sagot?" napakamot nalang sa ulo si Mrs. Valdez sa nasaksihan nito.
"By the way Mr. Manlangit, very well, I'll forgive you for being late today," at mabilis na lumipas ang oras at natapos na rin ang klase. Halos wala nang tao sa loob ng silid at mabilis na inayos ni Jacob ang kanyang gamit at nagmamadaling lumabas ngunit bago pa man ito makarating sa pinto ay hinarang na ito nina Bryan, Marvin at Anthony. Sinubukan nitong lumusot sa tatlo ngunit hindi ito nagtagumpay.
"I know you cheated," bungad ni Bryan at kwinelyuhan niya ito.
"N-no I didn't," nangangatal na sagot ni Jacob sa sinabi ni Bryan,
"Aba, sumasagot ka na ah," sabi naman ni Anthony at sinikmuraan niya ito habang hawak-hawak ni Bryan, dahilan para sumuka ito ng dugo. Lumapit naman si Marvin at pinagbantaan ang binata.
"Don't fuckin' deny it, how the hell a dumbass like you will even got a perfect score? huh," muling sambit ni Bryan habang nanatiling hawak ang kwelyo ng uniporme nito.
"Ayaw kong nakikita kang lumalapit kay Harra, alam kong sa kanya ka lang naman kumopya, naiintindihan mo?" umiwas lamang ng tingin si Jacob rito at tumango.
"At kung iniisip mong magkakagusto siya sa isang tulad mo, pwes nananaginip ka. You're a loser, you'll stay as a loser," dinuro-duro ni Marvin ang noo nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Maya-maya pa ay umalis na ang mga ito. Nahihirapang tumayo si Jacob sa sakit na iniinda nang madaanan ito ni Harra.
"Hey Jacob, ayos ka lang?" tanong nito na may halong pag-aalala sa kalagayan ng binata. Napabuntong hininga na lamang ito dahil alam niya kung sino ang may gawa nito kay Jacob.
"Those freakin'guys," inalalayan nitong makatayo si Jacob ngunit iwinaksi lang nito ang palad niya at nagmamadaling umalis ng silid. Pagkauwi nito ng bahay ay dumiretso ito sa kanyang kwarto. Nahiga habang nakatitig sa kisame. Iniisip niya ang mga nangyari kanina.
"What a rough day, nakaperfect nga ako sa assignment namin kanina, sakit naman ng katawan ang inabot ko. At bakit napakabait sa 'kin nung babaeng 'yon. Hindi naman ako yung tipo ng taong dapat niyang pag-aksayahan ng oras, napapahamak pa tuloy ako ng dahil sa kanya,"
Madalas ganoon ang senaryo na nararanasan ni Jacob kaya napapadalas din ang pagliban nito sa klase. Maraming tumatakbo sa utak ni Jacob noong gabing iyon, na kung gaano parang laging impyerno ang pinapasukan niya kaya minsan ay lagi niyang naiisip si Harra, kung paano ang isang anghel na tulad niya ay naligaw sa impyernong iyon. Gusto niyang mapalapit dito pero sa tuwing naiisip niya iyon ay kasabay naman ang pagpapaalala sa mga banta ni Marvin.
Sikat din ito sa campus, hindi dahil sa pagiging matalino nito, ngunit dahil sa lagi itong nasasangkot sa gulo. At isa rin ito sa mga player ng basketball team. Matagal tagal na rin itong nanliligaw kay Harra pero hindi siya nito pinapansin. Kaya kung sino man ang makita niyang umaaligid na lalaki dito ay tiyak na sasamain.
Kaya nitong mga sumunod na araw ay pilit itong iniiwasan ni Jacob. Hindi dahil sa ayaw niya ito ngunit dahil kay Marvin. At isa pa, sino ba naman siya kung ikukumpara. He's a totally complete loser ikanga. Hindi masyadong gwapo, hindi kasali sa kahit anong sports team sa eskwelahan at hindi rin naman matalino. A complete disaster kung iisipin mo. Kaya ganun ganun na lang na ginawa siyang laughing stock ng mga kaklase nito.
Pero iba si Harra, napakabait nito kaya hinahangaan ito maging ang ibang section at year level. Minsan nga ay palihim nitong sinundan si Jacob pauwi sa bahay nito.
"Ah, dito pala kayo nakatira, malayu-layo kasya sa inaasahan ko," bulong malamannito sa sarili habang pinagmamasdan si Jacob mula sa malayo habang papasok ng bahay nito. Pagkatapos niyang malaman iyon ay umuwi na ito ng kanilang bahay na may ngiting dala-dala sa pag-uwi.
Sabado. Walang pasok kaya naman ay nasa kwarto lang si Jacob at naglalaro ng online games. Ganito lang ang ginagawa nito kapag walang pasok ngunit may bago sa araw niya noong umagang iyon.
"Kobkob, may bisita ka, bumaba ka muna," katok nito sa kwarto ni Jacob. Nang marinig niya iyon agad niyang pinagbuksan ng pinto ang ina.
"Sino yun, Ma? Wala naman akong iniimbitahan dito ah," sagot nito sa ina. Totoo naman na kahit minsan ay wala pa itong pinapunta sa kanilang bahay. Bukod sa itinuturing siyang nobody sa eskwelahan na kanyang pinapasukan ay madalang siyang magkaroon ng kaibigan.
"Aba malay ko, basta ang sabi niya girlfriend mo raw siya,". Sa sinabing iyon ng kanyang ina ay hindi maipinta ang kanyang mukha. Sapagkat wala naman talaga siyang maisip na sira ang ulo para magpakilalang girlfriend niya.
"Hindi ka nagsasabi sa 'kin ah, may girlfriend ka na pala. In fairness, ah maganda siya at mukhang mabait kagaya ko," sabay hawi nito sa kanyang mahabang buhok. Totoo naman ang sinasabi ng kanyang ina. Sa edad nitong kwarenta'y tres ay mukha pa rin itong nasa kanyang mid 30's at makinis pa rin ang balat nito.
"Wala akong girlfriend, Ma," napakamot nalang ito sa kanyang ulo sa ikinikilos ng ina.
"Huwag ka na ngang in denial dyan, bumaba ka na at masamang pinag-aantay ang bisita," bumaba na ito pagkatapos niyang sabihin iyon at dumiretso na sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto. Dahan-dahan namang bumaba si Jacob upang tignan kung sino ang babaeng bumisita rito.
"Harra, anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang bahay namin?" gulat nitong tanong nang makita ang babaeng nakaupo sa kanilang sala.
"Binibisita ka," maikling sagot ng dalaga at nagpakawala ng isang matamis nitong ngiti.
"At bakit mo sinabi kay mama na girlfriend kita, gusto mo ba akong mabugbog nanaman sa eskwelahan?" Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala, dahilan kung bakit napahalakhak nalang ang dalaga sa kaniyang hitsura. Agad din naman itong tumigil nang sumeryoso ang mukha ng binata. Kinuha nito ang isang notebook mula sa kanyang bag na dala-dala at ipinakita ito sa binata.
"Naiwan mo pala kahap—" hindi na nito pinatapos sa pagsasalita ang dalaga at hinablot ang notebook mula sa pagkakahawak ni Harra.
"Huwag mo sabihing—" labis ang pagkagulat nito ng makita notebook na iyon sa dalaga. Doon lang naman kasi nakasulat ang nararamdaman niya para rito. Bukod doon ay ang mga tulang isinulat niya para kay Harra.
"Oo binasa ko lahat ng nakasulat diyan," Sa sinabing ito ng dalaga ay napasabunot nalang ito at biglang nakaramdam ng pagkahiya.
"A-ah, ano kasi, p-pasensya ka na. H-hindi ko—" napakamot nalang ang binata at namumula naang pisngi nito dahil sa hiya sa dalaga na nagpahalakhak nanaman dito.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah," sabi ng ina ni Jacob na kasalukuyang inihahanda na ang mga pagkain sa mesa.
"Ah kasi Tita, nakakatawa yung anak niyo," ilang sandali lang ay tinawag na ng ina ni Jacob ang dalawa.
"Hija, halika na kayong dalawa dito at kumain na tayo," habang tinitignan nito ang dalaga ay hindi niya mapigilan ang mamangha sa future daughter-in-law nito, at least sa pagkakaalam niya. Nagkakaroon silang tatlo na makapagusap-usap at halata ang pagiging awkward na sitwasyong ito para kay Jacob. Bukod pa doon ay may mga tanong pang hindi sinasagot ni Harra dito. Kaya naman pagkatapos nilang kumain ay pinuntahan niya agad ang dalaga sa sala kung saan ito nakaupo.
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko," sabi nito pagkaupong pagkaupo ng binata sa tabi ng dalaga.
"Sumabay ka sa akin pumasok sa lunes para malaman mo yung sagot ko, at saka magreview ka para sa exam natin, kapag nakakuha ka ulit ng mataas na score saka ko na sasabihin sa'yo," pagkatapos niyang sabihin ito ay tumayo na rin agad at dumiretso sa ina ni Jacob at nagpaalam.
"Tita, tutuloy na po ako," nagmano ito bago tumalikod.
"Hija, mag-iingat ka, basta tandaan mo, kahit anong oras na gusto mong bumisita, welcome na welcome ka dito, sabihin mo sa akin kapag pinaiyak ka niyang si Jacob ah," sabay ngiti nito at kinawayan si Harra na tinatahak ang direksyon palabas ng pinto ng bahay.
Habang si Jacob naman naiwang may tanong sa isipan. Umakyat ito ng kwarto niya at itinigil ang paglalaro at hinalungkat ang gamit niya sa kwarto. Inilabas ang gagamitin para mag-review sa exam nila sa lunes.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina at kung gusto niyang malaman ang lahat ay dapat makakuha siya ng mataas na marka sa exam. Tinignan niya ang notebook niyang pinag-aalayan ng mga tula sa dalaga, nahihiya pa rin siya dito at hindi nito alam kung paano ito haharapin sa susunod na magkita sila. Nang may mapansin itong sulat sa likod ng kanyang kwaderno.
"Gusto kita, Jacob"
Ito lang ang tanging sulat na kanyang nakita. Hindi nito maipaliwanag ang kanyang naramdaman nang sandaling iyon, rinig na rinig niya ang kabog sa kanyang dibdib at ito rin ang unang pagkakataon na naramdaman niyang hindi siya talunan.
Kaya naman ay mas ginanahan itong magreview, hindi lang para sa exam kundi inaral niya na rin ng advance ang iba nilang mga subject para magkaraoon na siya ng ideya tungkol rito at hindi na masyadong mahirapan sa mga susunod na araw.
Araw ng lunes, maaga itong magising sa unang pagkakataon, maaga rin kasi itong natulog at hindi na nagpuyat sa kalalaro. Ss unsng pagkakataon din ay ayos na ayos ang buhok nito at tila biglaang naging isang ganap na binata.
Isang oras bago magsimula ang klase ay nandoon na ito sa gate gaya ng napag-usapan ng dalawa na sabay silang papasok, kahit na kinakabahan ay pilit nitong ikinalma ang sarili sa kahit anong pwedeng masamang mangyari. Maya-maya pa ay sumunod na ring dumating ang dalaga. Kumapit ito sa braso ng binata. Habang naglalakad silang dalawa ay napatigil ang binata ng makita nito ang grupo ni Marvin.
"Halika na, huwag ka matakot diyan. Ako bahala sa'yo," pagkasabi niya nito ay iniakbay nito ang kanang kamay ni Jacob sa kanyang balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante at lumapit dito ang tatlo.
"Bakit mo kasama yang talunan na yan, hindi ka ba nahihiya?" bungad ni Anthony sa dalaga nang salubungin nila ang dalawa.
"Ikaw naman, diba binalaan na kita," sambit naman ni Bryan sa binata. Akmang susuntukin naman ni Marvin si Jacob ngunit may humawak ng braso nito mula sa likod. Nagkatinginan naman si Marvin at ang lalaking humawak sa braso nito na kapatid pala ni Harra.
"Huwag mo lang masubukan at ako makakalaban mo," sabi nito saka binitawan ang braso ni Marvin. Nagpatuloy na naman maglakad ang dalawa patungo sa kanilang silid.
Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang kaklase nilang nasa silid. Ilan sa mga ito ay ang mga nambubully kay Jacob. Kahit kakaunti pa lamang ang mga ito ay rinig na ang mga pagbubulungan nito sa kani-kanilang mga upuan.
"Bakit kasama ni Val yung Jacob na yun? Yak," bulong ni Jamie sa katabi niyang si Louise. Val ang tawag nila kay Harra kasi hindi ito nawala sa pagiging top 1 ng klase.
"Ginayuma yata ni loser si Val, hala," tugon naman ni Louise kay Jamie. Kahit medyo malayo si Harra at Jacob sa kinauupuan ng dalawa ay rinig pa rin nila ito. Tatayo na sana si Harra ngunit pinigilan ito ni Jacob kaya medyo nakapagtimpi pa si Harra ng mga sandaling iyon.
Hanggang sa natapos na ang exam at ia-announce na ang resulta. Inatasan naman ng guro si Harra upang basahin ang mga scores sa kanilang exam. And as usual ay perpekto nanaman ang score nito. At bago niya basahin ang huling papel na hawak niya ay nagsalita ito sa harapan na siguradong kay Jacob sapagkat ang pangalan nalang nito ang hindi natatawag.
"Bago ko basahin 'to guys, may gusto sana akong sabihin sa inyo," ipinaalam niya ito sa guro at pinayagan naman siya nito.
"Starting this day, I don't wanna hear you guys talking about Jacob and calling him names that insults him. At yung sinasabi niyo sa kanya na loser, it is no longer true, bukod sa 59/60 ang nakuha niya sa exam na ito..." inilibot nito ang kanyang mga mata sa kanyang mga kaklase bago nagpatuloy na magsalita.
"I just want you to know guys, that he won my heart, and he's the kind of person na hinahanap ko sa isang lalaki, kaya sana sa mga susunod na araw, please be good to him, yun lang," tinapos na nitong magsalita at umupo. Ang guro naman nito ay kinikilig mula sa kanyang nasaksihan.
"Ano yon?" tanong ni Jacob pagkabalik sa upuan ng dalaga.
"Sinasagot na kita, Jacob Manlangit."
END.
Dedicated to my very first sponsor @lucas and the one who motivates me to keep writing @carisdaneym2 .
Thank you for reading. ☺️
Hope lahat may inspirasyon sa school🤧🤧🤧🤧