She Ended It On April Fools.

3 16
Avatar for scarquinn
3 years ago

"Mahal, buntis ako." Pag-amin ni Claire sa kanyang boyfriend at ini-abot ang pekeng pregnancy test na nabili niya kamakailan lang. Balak niyang i-prank ito. At dahil dati na siyang nagti-tyatro ay nagawa niyang palabasin ang luha nito sa loob lang ng ilang segundo upang mas kapani-paniwala ang gagawin niyang prank.

"Seryoso ka ba Claire?" tanong ni Kent sa dalaga na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Tinitigan niya ang pregnancy test na inabot sa kanya ng dalaga. Umiwas naman ng tingin ang dalaga ng tingin upang hindi siya tuluyang matawa.

"Oo, Kent. Ikaw ang ama ng dinadala ko." sagot naman ng dalaga na bahagyang pinupunasan ang kaniyang luha sa pisngi.

Napahawak na lang sa ulo ang binata at nanlaki ang mga mata. Hindi nito alam ang kaniyang gagawin sa inpormasyong kaniyang nalaman.

"Hindi pwede Claire, bata pa tayo. Marami pa akong pangarap," paliwanag nito habang nakaluhod sa harapan ni Claire. Para namang tinusok ang dibdib ng dalaga. Alam niyang isa lang itong pakulo ngunit hindi niya maiwasang masaktan sa naririnig mula sa binata.

"Pero paano ang anak natin? Ano gagawin natin?" Napili ng dalagang ipagpatuloy ang pagtatanong. Nagbabakasakaling makapag-isip ng matino ang binata bago pa man niya tapusin ang prank.

"Hindi ko alam, ipalaglag mo yan. Hindi ko kayang panagutan yan, Claire naman." pagmamakaawa ni Kent sa dalaga. Paikot-ikot ang binata na hindi alam ang gagawin. At muling tumulo ang luha ni Claire sa narinig. Pero sa pagkakataong ito, lehitimong lungkot at sakit na ang kaniyang nararamdaman.

"Ipalaglag? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Kent?" lumakas na ang boses nito at halata na ang galit sa kaniyang tono ng pananalita.

"Alam mo, Kent? It is supposed to be a prank. Pero sa narinig ko, we better end our relationship." sambit ni claire at mas lalong humagulhol ang iyak nito. Nagsimulang maglakad papalayo si Claire habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"What? Hindi ka buntis?" Galit na tanong nito kay Claire at hinabol ang dalaga at ipinaharap sa kanya.

"Yes! It's a prank Kent! But it's also a test kung gaano mo ako kamahal. And you failed that test, Kent. You failed!" gigil na sumbat ni Claire.

"I-I'm sorry Clai—" hindi na natapos ng binata ang sasabihin ng isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Umalis na si Claire at iniwan ang binatang nakahawak ngayon sa kaniyang pisngi sa lakas ng pagkakasampal ng dalaga.

Sumakay na ito sa kanyang sasakyan habang umiiyak na umuwi sa kanila. Pagkadating na pagladating niya ay sumama ang pakiramdam nito at dumiretso sa banyo. Sumuka at humihilab ang tyan, medyo nahihirapan din itong huminga kaya naman ay napaupo ito sa bowl.

"No, hindi pwede 'to." Napatulala ito at nag-alala kaya kumuha ito ng totoong pregnancy kit para mag-test. Dalawang guhit na pula ang bumungad sa kanya pagkaangat niya ng pregnancy test kit.

Positive.

Napahagulhol muli ito nang hindi alam ang gagawin ngayong alam na niya na hindi ito kayang panindigan ni Kent.

Hindi niya alam ang susunod niyang gagawin kaya nagpalakad-lakad ito sa loob ng CR, nag-iisip ng magandang paraan. Naglakas loob ulit itong bumalik sa bahay nila Kent.

Minaneho niya ang kaniyang sasakyan patungo sa bahay ng binata. Hindi mapakalma ang isip ng dalaga sa nangyayari. Hindi niya rin alam kung bakit pa niya kailangang puntahan ang binata gayong alam naman na niya ang magiging tugon nito. Malapit na siya at tanaw na niya ang gate ng bahay, nang makita niya si Kent at ang ex nito na naghahalikan sa tapat ng gate.

Napasabunot sa ulo ang dalaga sa nakita na tila biglaang nasiraan ng bait. Pinaharurot niya ang kaniyang minamanehong sasakyan.

Napatigil si Kent at ang babaeng kasama niya nang makita ang papasalubong sa kanilang sasakyan ngunit huli na ang lahat bago pa sila makaiwas.

Ikinamatay ng dalawa ang insidente habang si Claire naman ay nawalan ng alaala. At ang batang nasa kaniyang sinapupunan ay namatay sa loob ng tiyan niya.

2
$ 0.10
$ 0.10 from @immaryandmerry
Sponsors of scarquinn
empty
empty
empty
Avatar for scarquinn
3 years ago

Comments

Ang brutal naman huhu. Pero nadala ako anyway hahaha

$ 0.00
3 years ago

More tragic genre sooonn!!

$ 0.00
3 years ago

Grabe naman to kel. Happy April fool's day! HAHAHA!

$ 0.00
3 years ago