—
Maagang umuwi si Francine galing sa kanyang trabaho at dumating ng umiiyak. Napansin ito ng kanyang ina kaya agad niya itong nilapitan.
"Honey, why are you crying? What's wrong?" tanong ng kanyang ina at agad niya itong niyakap at inilapit sa kanyang dibdib.
"Tell me, did someone hurt you from school?" dagdag na tanong niya at mas lumakas ang hagulhol nito sa kaniyang dibdib. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito at sinusubukang pagaanin ang pakiramdam.
"I cooked your favorite for dinner, tara sabayan mo kumain si mommy, okay?" tumingin si Francine dito at tumango lamang ng bahagya. Medyo tumahan naman ito sa paghagulhol at dumiretso na silang dalawa sa kusina. Umupo na si Francine habang ang kanyang ina naman ay inihahanda sa lamesa ang kanilang kakainin.
"Mom, he broke up with me," sabi nito sa kaniyang ina habang nasa kalagitnaan sila ng hapunan.
"Tell me honey, what happened?" nag-aalalang tanong ng ina ni Francine. Nakatitig lang ito sa kanya habang naghihintay ng isasagot ng dalaga.
"These past few weeks, madalas na kaming nag-aaway. Hanggang sa nakakatulugan nalang namin yung isa't-isa na may sama ng loob, it hurts me mom, sa tingin ko sumuko na siya sakin," at nagsimula nanamang tumulo ang luha niya. Lumapit ang kaniyang ina upang punasan ito.
"And what hurts me more kasi pakiramdam ko, ako yung may kasalanan ng lahat but I always put the blame on him tuwing mag-aaway kami, akala ko okay lang yun, kasi babae ako at dapat lalaki lang palagi ang mag-sorry," nagsimula ulit itong umiyak at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng kaniyang ina.
"Alam mo kasi honey, hindi naman dapat lalaki palagi ang humihingi ng tawad, kapag ikaw yung may kasalanan dapat ikaw yung magpakumbaba. May damdamin din sila, nasasaktan din sila, siguro kaya siya sumuko kasi naiparamdam mo sa kanya na siya nalang yung nagmamahal, kaya gusto ko humingi ka ng sorry sa kanya, okay. Ayaw kong mangyari sa'yo yung malaking pagkakamali ko noon, na dahil sa pride ko, you grew up without your dad," mahabang paliwanag nito kay Francine. Nagulat naman ito sa rebelasyong nalaman niya sa ina.
"M-mom, but you said my dad died in an accident?" tiningala naman nito ang ina.
"I'm sorry honey, but the truth is, your dad broke up with me without knowing I was pregnant with you, nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya na magkakaanak na kami kasi alam kong sumuko na siya sa ugali ko, so I chose to raise you alone," napayakap ito mahigpit kay Francine at biglang bumigat ang mga mata nito nagbabadya ng pagtulo ng kaniyang luha.
"Kaya if you really love him, say that you're sorry before it's too late," dagdag nito at agad namang umalis sa pagkakayakap ang dalaga at agad na kinuha ang kaniyang cellphone.
She dialed his number at agad itong tinawagan. Wala pang limang segundo ay sinagot na ang kaniyang tawag.
"Hello, Klyde, please don't drop the phone, we need to talk, dating tagpuan. I'll wait until 10pm," hindi na nito hinayaang magsalita si Klyde at dumiretso na ito sa kanilang dating tagpuan. And it turns out that she's also pregnant with him.