Bill Paid Kararating lang galing Meralco, dahil may disconnection notice na kailangan ng bayaran sa opisina ng Meralco. Kaya no choice ako dahil kailangan mabayaran na at baka maputulan ang higpit na rin isang buwan lang na bayarin padalhan kaagad ng disconnection. Nasa work place ang asawa ko bukas pa work from home niya kaya iniwan ko nalang yung dalawang anak ko dito sa bahay. Nakaraang linggo pa pala disconnection date nito baka ngayon pagkatapos holy week mamumutol na, kaya hindi ko na pinaabot na bukas pa bayaran. Ang hirap pa naman mawalan ng kuryente ang init ng panahon. Nag online class sila kanina ng iniwan ko dito sa bahay sinabihan ko nalang makinig ng maigi. Mabuti nalang hindi ganun kahaba ang pila kaya medyo mabilis lang. May kalayuan din kasi ang opisina ng Meralco dito sa bahay dalawang sakay pa ako kaya mahirap kapag doon na magbayad mapapagastos kana ng pamasahe. Dati kasi meron bayad center dito malapit sa bahay tumatanggap rin ng bayad kahit may disconnection na pero ngayon nagsarado na kaya pupunta na talaga ng opisina. Back to reality na mga kiddos at mommies tapos na mahaba-habang bakasyon sasabak na uli sa mga activities na gagawin :) Happy and Blessed Monday Noise fam!
9 comments
ilan bwan po yan bale sis sa amin po ehh mababa lang po ehh hndi nman agad pinuputol
Isang buwan sis na bayarin sis may disconnection kaagad Kaya need na talaga bayaran.
Malaki po iyan sis sa amin po my reff ehh malaki napo 700 po nga po need tlaga bayaran
Isang buwan lang sa inyo may abiso na kayo, ka-noise?
Kaya nga kanoise may disconnection notice na kaagad isang buwan pa lang hindi nabayaran.
Sana magkaroon na ng mga options to pay online kahit disconnection na ano sis? Hindi ka na lalayo ng bahay.
Sana nga may ganun na sis para hindi na mapagastos ng pamasahe. Kapag may disconnection notice na kasi kailangan sa opisina na.
Must be an advance system.
Date pwede pag 2 months pala may disconnection no friend...alam ko pwedi ka naman pqg pay thru gcash or shopee para online payment...ganyn kc ginagawa ko sa water, electric at internet bill