read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Throwback Ang bunso kong wala talagang kahilig hilig magpapicture. Noong baby pa siya wala talagang maayos na picture halos lahat ang seryoso niya o Kaya umiiyak siya. Parang kailan lang ang bilis Ng panahon apat na taon na pala nakalipas sa picture na'to, ngayon ang lalaki na makukulit minsan madalas mabait naman hehe. Nasabi ko pa sa noon bakit magkasunod pa sila isang taon at tatlong buwan lng Kasi gap nila tapos nahirapan talaga ako Kay ate dahil napakaiyakin lagi akong puyat 8months n siya nung makatulog ako ng mahimbing sa gabi dahil sarap na tulog niya. Hindi rin talaga madali mag alaga lalo na wala akong kasama sa bahay kapag nasa work asawa ko pag uwi naman niya hindi ko na rin pinapatulong masyado Kasi pagod din siya. Ang daming mommies siguro relate sa sitwasyon ko. Masarap na mahirap talaga maging ina. Pero ngayon malalaki na sila sarap sa pakiramdam may nauutusan na ako at tumutulong sa mga gawaing bahay na Kaya nilang gawin. Pinapangaralan ko din Kasi na kapag may gawain sa bahay tapos Kaya na nilang gawin wag ng magpapautos gawin na agad. Kaya kilos na agad yan sila ng walang utos ni mama :) Napahaba na naman kwento ko hehe. Bukas celebration na pala ng araw ng mga puso. Anong plano nyo bukas mga kanoise na celebration? Kami dito Lang sa bahay may work si hubby work from home naman siya kaya magkasama parin buong araw hehe. Happy and Blessed Noisefam! #MyBabies #Blessings

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.