read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Meryenda! Nakapagmeryenda naba lahat?kami patapos na, ito nalang natira sa sa niluto kong meryenda. Hanggang ngayon hindi parin ako tapos sa paglalaba pahinto hinto rin kasi at magtatanghali na rin nag umpisa. Makulimlim ang panahon, aaraw lang saglit nawawala na naman sana bukas umaraw para matuyo nilabhan ko ngayon. Nagrequest mga anak ko na magluto daw uli nung niluto naming meryenda nakaraang araw na tuna sandwich nagustuhan nila masarap daw. Nung nakaraang araw kasi pumasyal kapatid ko kasama pamangkin ko na makulit :) nagpabili siya ng sangkap magluluto daw siya ng tuna sandwich. Kapag kami lang kasi dito sa bahay minsan lang talaga ako makaluto ng meryenda madalas bibili nalang ng tinapay tamad na ako magluto sa dami din ng ginagawa hehe. Pero ngayon nagrequest mga kiddos na magluto daw ako uli nung sandwich kaya pagbigyan kahit hindi pa tapos sa labahan minsan lang naman magrequest :D Masarap din ang sandwich na'to nakakaumay nga lang dapat may softdrinks na partner hehe. Pero mga anak ko gusto-gusto at daddy nila. Tiningnan ko lang paano ginawa ng kapatid ko nung nagluto siya para alam ko na sa susunod. At ito nga masarap din pagkagawa ko ngayon. Kaunti lang naman ang sangkap na bibilhin, bumili lang akong tuna dahil may cheese at mayo pa natira nung nakaraang luto. Tapos may itlog na dito at may crackers din yun na ginamit kong bread crumbs para hindi na bumili dinurog ko lang. Kaya solve na meryenda namin. #TunaSandwich #owncontent @ruby0622

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.