BAKASYON! Habang naghihintay kami ng masasakyan na tricycle papuntang sementeryo picture muna ang girls with Nanay at pinsan nila. Ang tagal talaga ng masasakyan sa probinsya namin. Papunta Kaming sementeryo niyan dalawin Papa ko na nasa heaven na. Maliliit pa mga anak ko huling dalaw namin hindi na nila natatandaan. Tamang-tama ng araw na yan maganda ang panahon maaraw siya madalas kasi maulan talaga kaya buong bakasyon namin na mahigit isang buwan bahay lang o ligo ng dagat ang ganap hehe. Nang time na yan tinitingnan din nila nagpuputol ng niyog pinaputol ng Tito ko ang puno ng niyog sa tabing bahay nila mabuti nga nung bagyong Odette hindi natumba sa bahay nila. Medyo malayo yung bahay namin sa kalsada kaya malaya mga kids maglakwatsa sa labas pero binabantayan parin kasi tabing ilog bahay namin. Ang lalayo Ng kapitbahay namin dito bahay lang ng Tito namin ang katabi ng bahay sunod na bahay niyan malayo na. Kaya nakakatakot rin kapag gabi lalo na nung after bagyo kasi walang kuryente hanggang ngayon wala parin daw sobrang naapektuhan kasi province namin ni Odette. Kaya hindi maiwasan na mag alala ako sa mama at kapatid kong babae at pamangkin ko na 2yrs old Kasi sila nalang nung umalis na Kaming magkakapatid. Kaya naiiyak si mama tahimik na daw uli ang bahay malaki nga ang bahay silang dalawa lang naman ng kapatid ko nakatira. Minsan umuuwi ang asawa ng kapatid ko hindi rin nagtatagal balik agad sa work. Namiss ko lang ang lupang aking sinilangan lalo na sila mama. Napahaba ang aking kuwento pasensyahan niyo na minsan lang naman :) Happy and Blessed night noisefam. #Jan2022 #ProvinceSurigao #NoiseCash
4 comments
wow. kakamiss mag bakasyon.
nakakatuwa naman ang mga girls ready sa picture, nakakamiss din talaga sa probinsya kami kasi hind na nakakauwi, enjoy niyo bakasyon with kids mam tsaka alagaam ang mama heheh pasayahin habang anjan kayo.
Nakakamiss talaga sis ang probinsya.
Gandang selfie friend. Good morning