read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Blessed Sunday Noise fam! Katatapos lang maglaba nakakapagod isang linggong labahan. Hindi nakapaglaba kahapon dahil pumunta ang lola at lolo (mga biyenan ko) nagyaya mamasyal sa sa mall at bibilhan daw ng damit ang mga apo bago kami magbakasyon sa probinsya. Nakakapagod mag ikot ikot wala namang nabili dahil walang magustuhan ang lola na mga damit nakadsiplaynold stock na daw. Kaya lumipat na naman ng isang mall medyo matrapik na rin kaya nakakapagod magbyahe. Hindi na sumama ang mga biyenan ko sa kabilang mall dahil gagabihin na sila pag uwing tagaytay. Kaya binigyan nalang ng pambiling damit para sa mga apo at picturan ko daw ang mga nabili kaya walang kawala hindi pwedeng kupitan hahaha. Kaya ayan pinasuot ko na pero syempre dis infect muna bago suotin at sinend sa lola. Sa martes na flight namin papuntang Surigao namiss ko na rin province namin kaya excited na rin umuwi pero mas excited ang dalawang makulit hehe. Walang signal sa probinsya namin kaya baka minsan lang ako nito makaonline pero gagawa talaga ako ng paraan para makapag noise hehe. Happy and Blessed weekend sa ating lahat.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.