read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Native na Manok ^_^ Ang ganda ng panahon maaraw na mahangin kaya hindi mo ramadam ang init masyado. Kapag ganito ang panahon maganda maglaba tiyak tuyo ang mga nilabhan. Nakatuyo na ako kahapon sa mga nilabhan ko nakaraang araw at tinupi ko na kaagad kagabi madalas kasi nakatambak muna tinatamad lagi sa pagtutupi. Kasama ko mga anak ko sa pagtutupi sila tagatanggal ng hanger at nagtutupi ng damit nila masaya magtupi kapag may kasama hindi ka aantukin. Ito palang nasa larawan ay kuha noong nasa probinsya kami nagbakasyon nakaraang Pasko. Siguro relate dito mga nakatira o lumaking probinsya paano magkatay ng manok. Kapag walang ulam tapos gusto nyo ng sinabawang manok manghuli ka lang sa mga alaga mong manok may ulam kana :) Kaya masayang tumira sa probinsya magtanim ka lang at mag alaga ng mga hayop may ulam o kakainin kana. Nagkatay kami ng dalawang manok para gawing tinola na may papaya at malunggay walang problema rin sa gulay na isasahog dahil may tanim sa paligid lalo na malunggay hindi mawawala yan. Kulang kasi isang manok sa amin dahil marami kami tapos marami pang kiddos. Natawa pa ako sa mga anak ko nung nakita kaming naglilinis nito, ano daw ginawa namin sa chicken kawawa naman daw haha sabi ko yan ang ulam natin ngayon. Ang sabi nila hindi, yung sa palengke lang daw na chicken ang kainin nila naaawa daw silang kainin ang kintay namin na manok natatawa nalang kami sa kanila :D Pero nung naluto na ang sarap naman ng kain nila hahaha ang sarap kaya ng sinabawang native chicken. Happy and Blessed Monday noise fam. Stay safe and God Bless!

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.