Parang kailan lang ganito lang sila noon ang cucute pa tingnan :) nakikinig agad anong sinasabi mo ngayon kapag may sasabihin ka o iuutos sa kanila maririnig mo "wait lang, 5 minutes po" relate ba kayo mga momsh ganyan din ba mga anak nyo hehe. Pero kapag alam nilang nag iba na tono ng boses ko kikilos na agad mga yan :) alam na nila mangyari kapag hindi sumunod sermon o kurot sa singit :D Natutuwa lang akong pagmasdan sila dito, nasa Tagaytay kami nito sarap uli bumalik dito magpicnic. Hindi na uli kami nakapamasyal doon simula ng pandemic ngayon pwede na medyo maluwag na uli budget nalang kulang :D Sa picnic groove yata kami nito maganda naman talaga dito ang presko ng hangin maraming puno kasi :) Sa sunod na buwan walang pasok dahil preparation sa darating na eleksiyon mahaba-habang bakasyon uli nagpasabi na ang biyenan ko na babae na doon daw muna mga apo sa Tagaytay siyempre kasama lagi ang mama hindi sila makatulog kung walang mama na katabi hehe. Kaya excited na ang dalawa sa bakasyon hindi kasi nakapunta noong holy week kaya sinabihan na ako ng maaga ng Lola nila para matuloy na ang pagbakasyon doon:) Baka nakapamasyal na kami niyan sa pasyalan ng Tagaytay huling pasyal namin umiyak si bunso dahil bawal pa mga bata :) #Throwback #TagaytayMemories
12 comments
Relate na relate ako sa salitang "wait lang" at madalas e mag dadabog muna bago sumunod sa inuutos.
Kaya nga sis ganyan na maririnig sa mga anak natin ngayon hehe pero hindi naman nagdadaboh itong dalawa ko :)
hahha relate na relate ako dito sis oo lang nang oo peru wala namang nagagawa kaya ang ending ako pa rin iba na talaga pag lumalaki na natutu nang magpasaway hehe
Kaya nga sis hindi kagaya nung baby pa sunod lang sa gusto mo hehe pero nasa atin parin naman pagdidisiplina dapat may respeto at takot parin sa atin :)
sakin sis kahit anong bunganga ko parang hindi sila takot ei..sa papa nila sila takot kasi pag palo palo talaga
Ang cute nilang tignan! Magiging happy na naman sila, magbabakasyon na naman pala kayo, kanoise! Enjoy lang!
Excited na sila kanoise pumuntang Tagaytay sa Lola nila :) hindi kasi kami nakapunta nung holy week.
hehehe. normal na yan. buti nga 5mins lang iba, inabot na ng syam syam, hanggang sa ikaw n ung gumawa ng utos mo hahah
Ehehe ang bibilis lumaki tas pag lunaki na ang hirap na utusan ehehe
Kaya nga sis pero nasa atin parin magdidisiplina dapat tayo parin masusunod :)
Ang cute naman nila at ngiti pa nila sis
Salamat sis ang cute pa nila dito hehe kapag baby pa talaga cucute pa :)