Sunday Service Isang mapagpalang Linggo noisemates. Ang ganda ng panahon ngayon maaraw siya kaya siguradong tuyo ang aking nilabhan kahapon. Thank you Lord for today and everyday. Kaninang umaga sumama ang girls ko sa church, Kaya ayan pinicturan ko na silang dalawa ang ganda kasing tingnan ng decoration. Hindi nakasama ang daddy nila dahil may pasok nabago na yung sched niya, hindi na weekend ang day off maganda sana yung dating schedule off ng weekend sama-sama kaming nagsisimba. Dahil last Sunday ng love month aalisin na yun nakalagay na decoration ang ganda pa naman tingnan. Nagpapaalala lagi na ang Diyos ay pag-ibig, tayo ay umibig dahil Siya ang unang umibig sa atin. Pinapakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig habang tayo'y makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin (Romans 5:8). Pero hindi lang naman this month dapat tayo nagsi-celebrate ng love sa mga mahal natin sa buhay o sa kapwa natin. Dapat araw-araw ito ay pamumuhay na natin ang magmahalan. Pero sa totoo lang ang hirap talaga mahalin ang isang kaaway o sa taong nakasakit sa atin, ang hirap nilang mahalin haha. Natural lang naman ang makaramdam ng ganun kapag tayo'y nasaktan. Pero kakayanin parin daw natin silang mahalin kapag tayo ay may relasyon Kay Cristo, ang Diyos ng Pag-ibig. Sana Pag-ibig ang maghari sa bawat isa. Para matigil na ang anumang kaguluhan at hindi pagkakaunawan. Blessed weekend to all Noisefam! #MyPrincesses #BlessedSunday #owncontent @ruby0622
2 comments
Happy sunday po ka ingay.. ang ganda namn po ng picture nila
Happy and Blessed Sunday and thank you po.