read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Nag-imbeta kasamahan namin sa simbahan dahil kaarawan niya may kaunting salo-salo daw sa bahay nila :) Kami mga kachurchmates daw ang unang batch dahil hindi magkakasya kung sabay lahat ang bisita. Ang panganay ko lang dala ko ayaw sumama ni bunso may sumpong napagalitan kasi ng daddy niya hehe sabi ko wala kaming madadala na pagkain baka manghingi ka pag uwi hahaha. Nakakahiya kaya nakakain kana manghingi pa ng pagkain pauwi :D Mabilis lang din kaming umuwi dahil may second batch at third batch pa daw :) Kaunting kantahan at kainan at fellowship about word of God hindi na nagtatagal marami pang bisita na dumating. Hindi na ako kakain nito ng hapunan busog much na pinagsama ko na ang meryenda at para sa hapunan mamaya haha. Ang panganay ko naman pansit at lumpia lang kinain ayaw niya sa ibang ulam at saka isang slice ng cake busog na daw siya :)

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.