read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Bonding Moment Tuwang-tuwa mga kiddos habang naghahabulan ang lawak kasi ng takbuhan nila dito. Nasa Luneta park kami nito sa province namin sa Surigao tambay muna habang hinihintay namin yung isa naming kapatid na babae at si mama nagwithdraw sa tapat lang din ng park na'to. First time kung makapasyal ulit dito sa city ng province namin after ilang years din medyo malayo ang bahay namin mula dito byahe muna ng 45mins. to 1 hour. During bakasyon nung December ang time na'to after bagyong Odette. Maaawa Ka nalang sa madaanan mong mga bahay na talagang sinira ng bagyo. Pati dito sa Luneta lahat ng Christmas decoration ay nasira o nilipad ni odette. Kaya nakakalungkot ang pasko last year dito sa province namin daming nawalan ng bahay at mas nakakalungkot dahil may nawalan ng mahal sa buhay. Nawalan din ng kuryente at hanggang ngayon wala parin daw. Natapat kasing nagbakasyon kami nakaraang pasko na dumating din ang bagyo. Praise God safe naman ang pamilya. Nagpacheck up ang mama namin ng time na'to dito sa city dahil kumikirot ang tuhod niya, yun nalaman may arthritis siya kaya pinagbawalan ng mga lamang loob na pagkain natural lang daw yun kapag may edad na. Masaya naman mga bata kahit dito lang kami tambay wala rin naman mapasyalan dahil halos lahat nasira dulot ng bagyo. Basta makabihis at makabyahe ng malayo layo masaya na mga kiddos pasyal na yun sa kanila hehe. #SistersAndCousinsBonding #SurigaoLunetaPark #BakasyonDecember2021 #owncontent @ruby0622

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.