Kagagaling lang namin sa church may Saturday Bible school kasi ang mga girls ko. Hinatid ko sila kaninang alas nuwebe. Sabado ngayon kaya laba dami na naman isang linggong labahan kaya sabi ko balikan sila kapag uwian na dahil ako'y maglalaba pa :) Maaga pala natapos wala pang alas onse, pagdating ko ayan kumakain na ng meryenda habang naghihintay sa akin. Sila nalang daw naiwan doon iba nilang kasamang bata nagsiuwian na :) Dati may Bible school sila every Saturday nahinto lang nung naghihigpit at ngayon binalik na uli. Hoping magtuloy-tuloy na ang pagluwag baka kasi pagkatapos ng eleksiyon maghihigpit na naman. Maganda may ganitong gawain sa mga kids para makasanayan nila hanggang paglaki nasa gawain ni Lord at nakakatulong ito upang lumaking mabait, masunurin at may takot sa Diyos. Hindi pa tapos sa aking labahan si mister na nagtuloy pagbanlaw dahil ako'y nagluluto ng pananghalian. Happy and Blessed weekend Noise fam. Stay safe.
7 comments
Sana nga tuluy-tuloy na iyan para hindi na makulong sa bahay ang mga bata!
Totoo kanoise importante ang ganitong gawain para sa mga bata. Hoping talaga tuloy-tuloy na ang pagluwag pero doble ingat parin Tayo nandyan parin ang virus.
Okay din yan sis kasi natututo sila about sa Bible..
Naku sis si hubby nun ehh nag lalaba lang pag ka panganak ko at nung nag spotting ako Chaka ngayon 2 beses kami mag laba sa Isang linggo. Maganda po tlaga my Bible study ejh
Itong asawa ko sis naglalaba naman pero hindi kusot banlaw lang ang alam niya. Kaya nga sis maganda talaga lumaki mga anak natin nasa gawain ni Lord kaysa kung saan magpunta :)
happy lunch time sis ako kakatapos lang maglaba naglaba ako ng mga kumot at punda at bedshet, sana nga maging normal na ang lahat nakakakaba kasi baka pagtapos na eleksyon bigla lumaki ang bilang ng may covid dahil siksikan na ngayon parang wala ba silang pakialam sa social distancing ee, maganda yan habang bata pa may takot na sa diyos at mabait na bata yung iba ngayon mga bata kung sagut sagutin mga magulang nila sobra na.
Hindi parin tapos pagbanlaw ko sis :) kaya nga hoping talaga after eleksiyon ok parin hindi dadami ang kaso ng covid. Napakaimportante talaga sis ganitong gawain sa mga bata upang lumaki silang may takot sa Diyos. Kaya nga ibang-iba na mga kabataan ngayon spoiled na.