Sopas Dahil maulan ulan ngayon naisipan ng asawa kong magluto ng sopas dahil paborito din ng panganay namin, si bunso hindi masyado pero kumakain din naman. Mabuti nalang nung uwian sa school ang mga bata kanina medyo mahina nalang ang ulan, akala ko makansela ang pasoknkagaya nakaraang araw dahil sobrang lakas ng ulan :) Pero ngayon tumigil na ang ulan medyo maliwanag na. Ang dami ng niluto ni mister ito na siguro hapunan namin nakakabusog rin naman ang sabi ko kaunti lang lutuin dinamihan naman niya. Pero masarap naman ang pagkaluto nagustuhan ng mga bata maraming sahog at gulay, kaya masarap hehe. Hanggang bukas namin itong kainin :) Nagutom rin mga estudyante ko katatapos lang magsagot sa mga activities nila. Nakakagutom talagang mag-aral pag uwi nila galing school kakain silang kanin kasi gutom daw tapos ngayon pagkatapos gumawa ng mga homework nila kain uli, nakakagutom talaga maging estudyante hahaha. #SnackTime
3 comments
wow thats so yummy
Yummy sopas friend. Lalo nat malmig
Oo nga sis isa ito sa masarap kainin kapag malamig ang panahon.