Nakapasyal uli ang Lolo at Lola sa bahay dumaan lang kasi may pinuntahan daw sila. Hindi raw sila magtatagal at uuwi kaagad ng Tagaytay. Kaya pagkatapos ng online class ng dalawa sabi ng Lola sama daw kami bibili ng makakain ng mga apo sa jobee :) Habang naghihintay kami sa Lolo nila kinuha yung sasakyan kinausap na ni bunso ang Lola na gusto niya sa loob ng jobee kakain namiss na daw niya :) Ang plano kasi mag drive-thru lang sa bahay na kami kakain idadaan lang kami sa bahay at diretso na ng Tagaytay ang Lolo at Lola. Dahil spoiled sa Lola pagbigyan lagi ang gusto ng apo hehe. Mabuti nalang nakapasok ako sa loob hindi na hinanapan ng vaccine card. Kasi wala sa plano na mag dine-in kaya hindi ko dala. Ang mga biyenan ko lang may dalang vaccine card maiwan sana ako sa labas pagnagkataon haha. Tuwang-tuwa ang dalawa lalo na si bunso natupad ang gusto sa loob ng jobee kakain. Nakalibre kami ng lunch :) kaming tatlo lang sa bahay nasa work daddy nila. Mamaya nalang ako magluto ng ulam sa hapunan :) Blessed Thursday Noise fam! Stay safe.
9 comments
ang swerte nang dalawang bagets sissy natupad ang gusto buti nalang talaga nanjan ang mabait na lolo at lola na handang sumoporta hehe
Ang tuwa nga nila sis nakakain uli ng jobee. Spoiled sila sa lola sila pa lang kasi mga apo :)
naku sissy mukhang mas madadagdagan mopa yan para mas lalong matuwa pa yong lolo at lola nila haha
Tlagang maluwag napo sis at pumupwwde napo Ang mga bata at pwde napo ule sila uleng mamasyal
Kaya nga maluwag na talaga..hoping pagkatapos ng eleksyon ganun parin kaluwag.
Basta talaga sa mga apo mahina ang mga lolo't Lola, bibigay agad haha. At least nakain sa loob ng Jabbee ang mga bata kaya happy sila.
Oo nga kanoise basta mga apo pagbibigyan palagi ganun talaga mga Lola at Lolo.
Sweet naman ng lolo at lola friend..naglaan sila ng time sa kanilang mga apo at pinagbigyan pa ang gusto
Minsan lang makapasyal ang Lola at Lolo sis at spoiled sa Lola ang mga apo hehe.