Blessed Busy Sunday Sobrang busy ang araw namin mag iina kanina, pagkatapos ng church service pumunta kami sa bahay ng kapatid ko Doon na kami naglunch. Dahil wedding anniversary nila today at sinabay na rin ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan, sa Miyerkules birthday ng hipag ko at yung sa kapatid ko naman nakaraang linggo. Dami nilang bisita ka-churchmates ni hipag dami rin pagkain kaya sobrang busog lusog today, thank you Lord. Ang biko ang pinakagusto ko sa pagkain namiss ko, ang sarap din ng pagkaluto hindi masyadong matamis. Kaya nagtake home ako para agahan ko bukas sabayan ng kape :) Ang daming bisita kaya mga kiddos stay sa room para hindi magulo. Kaya ayan nagkakatuwaan din silang nagpagalingan sa pagguhit hehe. May mga pamangkin din si hipag na nagpunta. Alas singko umuwi na kaming mag-iina dahil may women's fellowship pa gaganapin sa bahay ng kasamahan namin sa church. Mahigit alas sais natapos ang fellowship, pagkatapos kainan may biko at kape galing starbucks daw :) Kaya kumain uli ako ng biko at nagkape din makatikim man lang ng starbucks na coffee hehe hindi ko na nilagyan ng asukal at gatas pure kape lang talaga para malasahan ang kape ng Starbucks haha. Hope you enjoy your weekend Noise fam!
2 comments
nice. double celebration. happy anniversary and happy birthday to your sis in law
Salamat sis, sabay ang selebrasyon ng kapatid ko at hipag pinagsabay na parang isang handaan.