read.cash Log in
@ruby0622

Dinner Treat Biglang nagyaya si mister na kakain daw kami sa labas akala ko sa labas ng bahay lang haha. May kainan dito sa labas ng subd. hindi na kailangan sumakay lakad at tatawid ka lang sa highway :) Wala sa plano na kakain sa labas, kaya ito natuloy hehe sabi ko nga kay mister wala akong badyet. Ang sabi naman niya sagot na niya ang gastos kaya wag na akong mag alala. May natira naman daw siyang badyet sa pamasahe at baon niya. Gusto lang daw niya kaming i-treat kasi gusto rin ng mga bata. Niloloko ko nga si bunso advance celebration na namin ito sa birthday niya sa Sabado pumayag naman siya haha yung daddy lang ang ayaw :) Masarap din talaga ang mga pagkain dito sa BOKS at presyong pangmasa lang kaya ang daming kumakain at nagtetake out unli rice pa kaya busog lusog Ka talaga. Parang mang inasal lang din siya pero mas gusto ko sabaw nila lasang beef na beef hehe. Lahat ng order nila unli rice kaya sulit na sulit kung mahilig ka sa kanin isang cup nga lang busog na ako :) Ang inorder ng mga anak ko fried pork chop sana itong daddy nila ang inorder sizzling pork chop napaso pa tuloy si bunso. Nakipagpalit tuloy si bunso sa order ng daddy na garlic chicken. Pero ang sarap ng sizzling pork chop ang lambot niya, nag uumapaw pa sa gravy hindi tinipid sulit na ang isang daan mo unli rice pa hehe. Mas mahal pa itong grilled chicken na inorder ko pero ang sarap din ng pagkaluto ng manok ang lambot at hindi sunog hehe. #FamilyDinner

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.