read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

New Year's Eve Ang saya lang talaga ng mga bata nag-aagawan sa inihagis na mga barya at kendi hehe. Ganito ang ganap nung New year's Eve natulog ng maaga mga kiddos para gigising sila ng 12midnight new year. Sobrang saya nila, nagsasayawan nagpatugtog kasi mga pinsan ko parang may disco lang sa bahay ang ingay hehe. Ganun daw dapat Kasi pagsalubong ng taon maingay lahat ng mga gamit pinapaandar o pinapagana para maayos daw buong taon ang gamit daming pamahiin hehe. Nagkakatuwaan parin kahit walang kuryente dulot ni bagyong Odette. May speaker ang Tito ko na rechargeable nakabluetooth lang Kaya parang may disco rin sa bahay sa lakas ng tugtog hehe. Sobrang saya ng mga kiddos, may katuwaan pa silang papatayin ang music tapos maghahagis ng barya at kendi. Pati kaming mga matatanda nakikipag-agawan din nakikigulo na rin hahaha. Malakas ang ulan sa probinsya namin nung bagong taon kaya ang lamig. Parang bagyo din sa sobrang lakas ng ulan tapos pabugso bugso may kasama pang malakas na hangin. Wala rin kasi kaming balita sa weather dahil hindi na kami nakapanood ng balita dahil walang kuryente. Pero masaya parin ang bagong taon dahil magkakasama kaming buong pamilya. Kaunting kainan lang ng sama-sama yung iba kong kapatid nag-iinuman kasama mga pinsan namin. Masaya talaga kapag sama-sama buong pamilya. #NewYear2022 #SurigaoVacation #owncontent @ruby0622

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.