read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Happy and Blessed Sunday! It is the day of the Lord to give Him glory, honor, praise and woship. Ang sarap talaga magpuri at umawit sa Panginoon damang-dama mo ang presensya Niya sa pag-aawitan pa lang nararamdaman mo na. Anumang pinagdadaanan mo sa pakikinig ng mga awiting makalangit ito ay nagbibigay ng comfort o kapayapaan sa ating isipan. Tanging sa Diyos mo lang masumpungan ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Namimiss ko ang mga kapatid ko in Christ sa lugar nato siyam na taon na pala ito nakalipas. Ito ay during Sunday service ng church mga lalaki karamihan ang kumakanta kaunti lang kaming mga babae. Nakakamiss yung bonding namin na laging may word of God at syempre hindi mawawala ang pagkain :) Pagkatapos pakainin ang spiritual, physical na katawan naman. Mas madalas ko pang kasama ang brothers and sisters ko in Christ kaysa earthly brother and sister na kasama ko sa lugar nato nagtatrabaho. Mas masaya sana kung kasama sila sa mga gawain ni Lord pero hindi mo naman talaga pwedeng pilitin kong ayaw :)In God's perfect time darating din yun. Kumusta ang weekend nyo noise fam. Enyoy your time with your family and stay safe. #Throwback #CubaMemories

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.