My Province Ang lupang aking sinilangan hehe ganito lang ang hitsura niya nung bakasyon namin sa ika-60th birthday ni Mama nakaraang 2016 of December. Dalawa lang kaming magkapatid nakauwi sa probinsya nung birthday ni mama that year yung kasama ko diyan na maganda :D Hindi kagaya nitong nakaraang December 65th birthday ni mama nakauwi kaming pitong magkapatid sa probinsya si bunso lang ang hindi. Kaya mas masaya last year dahil halos kumpleto kami sayang hindi nakauwi bunso namin dahil hindi pinayagan ng employer niya. Ang bahay namin ay tabi ng ilog sayang lang dahil ang dumi na niya hindi na pwede maligo maalala ko pa dati mga bata pa kami hanggang hayskul dito kami naliligo at naglalaba. Tapos kapag maliit ang ilog kita ang buhangin nangunguha kami ng shells (Tagites sa bisaya) maghuhukay ka lang sa buhangin may ulam kana pero ngayon wala na dahil sa kapabayaan ng mga tao din. Ito talaga kinalakihan namin sa pilapil dumaan kaya ang hirap kapag tag-ulan sobrang putik talaga. Ilang beses na rin akong nahulog sa pilapil nung nag-aaral pa ako yung nagmamadali kana dahil late na tapos mahulog kapa sa pilapil maiyak Ka nalang talaga sa sobrang inis hah. Kaya nung bakasyon kong yan maliliit pa mga anak ko, karga-karga ko kapag may lakad kami. Kaya ang hirap umalis kapag umuulan noon. Mabuti nalang ngayon by God's grace napasemento na ang daanan Kaya hindi na mahirap kahit maulan hindi kana madumihan/maputikan. #MyProvince #SurigaoCity #owncontent @ruby0622
3 comments
un lang ang mahirap ibang iba na ngayon. dmi ng pinagbago ng paligid. oo, umunlad nga pero ang paligid naging marumi nman
Totoo talaga sis..napapabayaan na ang magnadang kalikasan sobrang nakakalungkot.
kya nga eh.