Biko at Kape Natapos na uli ang weekend busy na uli ang mga nanay tulad ko sa ating mga estudyante. Ang aking simpleng agahan ngayong umaga. Ito yung na take home ko kahapon sa birthday o wedding anniversary ng kapatid ko at hipag. Ganito rin hapunan ko kagabi may kainan pagkatapos ng women's fellowship namin may biko rin na meryenda, pagkauwi galing fellowship hindi na ako naghapunan uli nabusog na sa kinain ko na biko at nagkape din. Hindi halatang namiss ko itong biko ang sarap kasi pagkaluto hindi masyadong matamis. Pinaresan ko ng kape, ito talaga plano ko kaya nagtake home ako kahapon para may agahan ako na partner sa kape. Nagtimpla akong black coffee mas gusto kong ganito walang creamer may kaunting asukal lang. Kaya kapag bumibili kami ng kape hindi 3in1, kape at creamer kasi minsan gusto namin kape lang walang creamer para hindi rin ma-sugar ang kape namin :)
3 comments
hala lami lagi na nga biko sissy hehe biko dukot ba yan sissy perfect judna ipares sa kape gandang umaga sis
Dili na dukot sis dark lang gyid pagkaluto labi baya tong medyo dukot unya daghan latik unya bag ong luto luto paresan dayon ug kape hehe
wow sarap nman nyan hehee