read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

KASAG Sino po sa inyo kanoise nakakain na nito. Ang tawag namin dito ay kasag, panghuhuli ng ganito at alimango ang hanapbuhay ng papa namin kaya kami rin mga anak natuto ng manghuli ng ganito. Maalala ko noon nagbebenta kaming ganito ang mura lang isang kilo 30pesos matataba pa yun. Last month nung nagbakasyon kaming magkakapatid sa province namin sa Surigao ang mahal na niya isang supot 150pesos na wala lang isang kilo. Ito ang madalas namin ulam noon hindi kami nakakain ng alimango kasi mahal yun kapag binenta sayang kung iulam lang namin kaya makakain lang kami kapag nawalan ng dalawang kagat/sipit ang alimango kasi mahirap na ibenta hehe. Sa probinsya lalo na kapag sa baryo ang lugar nyo ganito halos ang lutuan ng mga tao kahoy ang gamit. Namiss ko rin magluto ng ganito may gasul naman gagamitin lang pang emergency na lutuan hehe. Sayang kasi ang daming kahoy kaya malaking tipid din sa gasul. Masaya mamuhay sa probinsya simple lang basta masipag ka lang may kakainin ka na. #BuhayProbinsya #SurigaoProvince

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.