New Year 2022 Katuwaan Nung nasa bakasyon kami sa province ng Surigao norte ito ang ganap nung New Year. Ang kapatid ko ay nagpabunot ng pera sa isang maliit na palanggana na nakablindfold. Ang hirap daw kasi kung sandukin ang pera alam nyo po yata ang ganung game o katuwaan. Kaya napagdesisyon na ganyan bunutan Kung ano makuha mong pera habang nakablind fold yun talaga ang para sayo haha. Itong eldest pamangkin ko ang unang pinabunot ang tagal niya matapos Kaya binibilangan na haha hinalukay kasi halos isa-isahin pa ang pera pagkapa. Pero worth it naman at the end nakuha niya ay isang libo kaya grabe ang tuwa nung pagtanggal niya ng blindfold haha. Sumunod naman yung panganay ko pagbunot ang laki din ng ngiti dahil isang libo din nabunot niya. Kaya ang saya ng mama may pambili na ng gatas nila hahaha. Sumunod naman pagbunot ang bunso saglit lang napili niyang hawakan ay limang daan ang tuwa ko lang dahil malaki na rin haha pero yung bunso ko hindi natuwa dahil gusto niya kagaya sa ate niya na isang libo din hahaha. Nakakatuwa din sobrang enjoy na enjoy mga kids pati matatanda hehe. Sabi nga ng mga anak ko "so much fun" daw ang new year doon sa probinsya. Nakadis infect naman ang mga pera na pinalaro for safety mahirap na kung sino-sinong may hawak ng pera. #NewYearKatuwaan #owncontent @ruby0622
1 comment
galing nman. hehehe.