Mga Prinsesa Ng Buhay Ko ^_^ Ang layo ng paningin nila nagagandahan lang akong tingnan sila habang nakatalikod gusto ko rin hair style na ginawa sa kanila kaya kinuhaan ko ng litrato. Isang taon na mahigit ang larawan na'to, araw ito ng kasal ng tita nila kinuha silang flower girls :) Ang pangit lang tingnan ng gown nila sa likod kitang-kita ang zipper pinaayos na kasi yan dahil hindi nagkasya sa kanila ang gown. Dalawang buwan kasi ang huling sukat bago ang kasal tapos sa dalawang buwan na yun lumusog sila kaya hindi na nagkasya ang gown nila ginawan nalang ng paraan ng mananahi kaya ganyan ang hitsura kaysa naman hindi nila masusuot :) Hanggang ngayon nangungulit parin si bunso sa tita niya bakit wala pa daw siyang baby more than 9 months na daw ang kasal nila haha . Gusto na niya kasi magkaroon ng pinsan dito sa malapit nasa probinsya kasi mga pinsan nila :) #Throwback #AYearAgo
7 comments
Para nga silang mga prinsesa sa mga suot nila kanoise! Good afternoon!
Hehe salamat kanoise ang ganda lang siguro ng gown nila :)
cute nman nila.
Ang ganda nga ng dalawang prinsesa mo friend.. im sure nag enjoy din sila na nabihisan at naayusan
Salamat sissy :) nag enjoy naman sila that time.
ang gaganda naman ng dalawang angel na yan hehe parang kambal lang okay naman yung kilod cute nga tingan mabuti at nagawan ng paraan ng mananahi, sigurado ako dadating din yung time na magkakaroon sila ng pinsan namimiss siguro nila yung iba nilang pinsan dahil malayo good morning pala sainyo ng kids mo stay safe.
Kaya nga sis ginawan nalang talaga Ng paraan para may masuot sila wala Ng oras kasi Kung magpagawa pa Ng bago :) Kaya nga sis darating din ang time na yun marami silang pinsan sis nasa probinsya lahat. Sa side Ng asawa ko wala pa kasing mga anak.