read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Throwback Christmas! Nang dahil sa Lyka app challenge kahapon na hashtag Christmas feels napahanap ako ng pictures 1k gems kasi kapag nanalo ka hehe kaya lang hindi pinalad pero okay lang atleast nagtry. Isang dekada na rin pala ang pictures nato parang kailan lang. Ito yung time na kumakayod si inday para sa pamilya at mga kapatid at salamat sa tita ko naging daan para makapagwork sa malayong lugar. Kung saan natustusan pag aaral at pangangailangan ng pamilya. Nasa bahay ako nito ng tita ko ang laki ng Christmas tree niya mas malaki pa sa akin hahaha ang saya lang ng time na'to daming regalo natanggap at daming pagkain laging handa tapos videoke habang may pa red wine lagi si tita para magkaroon daw ng lakas loob sa kantahan. Ang sarap balikan ng mga magagandang memories. Kumusta araw noise fam holiday ngayon pahinga mga kids sa online pero mga nanay walang holiday haha. #ChristmasFeels

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.