School Shoes Dahil tag ulan ngayon bumili ako ng goma na sapatos sa dalawang anak ko para isusuot nila sa school. Ang ganda lang din ng nabili namin kasi ang lambot kaya hindi magkakapaltos ang paa nila. Binili namin ito kahapon syempre kasama ko ang dalawang dalaginding ko para isukat ang sapatos sa kanila :) mabuti hindi nagrereklamo sa sapatos na binili ko sa kanila maganda rin naman kahit mumurahin lang hehe. Pero natitiyak ko kapag nakita ito ng biyenan ko magrereklamo yun bakit ganyan klase ng sapatos binili ko haha. Gusto kasi nun sa mall ka talaga bumili hindi sa palengke :) Nabili ko pala ito sa halagang 150pesos isang pares, mas mura na rin kaysa iba 180pesos ang benta. May tupi lang tingnan pero kapag nasuot mo na maganda na tingnan sa paa hindi na kita ang tupi niya. Excited na ang dalawang anak ko na pumasok bukas kasi sabay daw silang pupuntang school parehas kasi sila ng schedule :) Isang maulan uli na hapon ngayon mabuti nakabili na kami kahapon nitong sapatos balak ko pa naman ngayong hapon kami bibili. Stay safe Noise fam have a blessed day!
3 comments
perfect nga yan sissy sa tag ulan gusto ko din ganyan pang ulan lang ba noh kasi pwde siya agad labhan tapos ang bilis pa ma tuyo niyan
Practical yan sis para hindi mahirapan ang anak mo.Yung anak ko knina pinabaunan ko na ng slippers para mapalitan nya pag uwi.
Kaya nga sis pwede iapak sa basa ito maganda kapag naulan ang panahon :)