Busy Day Tapos na ang long weekend, kaya ito abala na uli mga estudyante ko sa kanilang pag-aaral. Kaninang umaga alas diyes hanggang alas dos pasok ni bunso sa online class kaya gumagawa na siya ng mga activities ngayon. Sa Friday pa face to face class nila tuwing Biyernes lang sila may pasok sa paaralan. Ang ate naman parehas sila ng pasok 10am-2pm kaya lang ngayong araw na-move sa alas kwatro at katatapos lang ng klase nila akala ko abutan pa ng gabi ang online class ng panganay ko mabuti maaga ang uwian :) May mga pinapagawa lang na activities ang mga guro. Ang dami na kaagad pinapagawa kaya mas maging abala na uli tayong mga nanay sa paggabay umpisa na naman na masubok ang pasensya natin hahaha. Kailangan mag ipon ng mahabang pasensya :) Hindi maaraw ang panahon ngayon kumpara kahapon sobrang init. Pero mabuti nalang hindi umulan nakatuyo parin ng mga nilabhan ko kahapon. Mapagpalang araw Noise fam!
4 comments
lahat na talaga tayung mga nanay busy sissy pati kids natin kita din sa kids mo na intresadong intresado sa mga activity na pinapagawa sa kanila
Kaya nga sissy sobrang abala na talaga maghatid sundo pa sa mga bata.
Ganon din ako sis busy sa umaga sa pagluto hanggang makaalis sila tapos sa hapon homework naman nila..Tama pahabaan Ng pasensiya to sa oras ng assignment nila
Kaya nga sis sobrang busy na talaga tayong mga nanay kapag pasukan ng mga estudyante natin.