read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Mapagpalang umaga Noise fam! Napaaga ang paglalaba ko dahil sa Sabado bakasyon mga kiddos sa Tagaytay sa kanilang Lolo at Lola syempre kung saan ang mga sisiw nandun din ang inahin :D Ang ganda ng panahon ngayon sana magtuloy-tuloy kahapon kasi ganito maaraw din at mahangin pero biglang umambon tapos umaraw uli. Sana ngayon maaraw lang ang panahon para makatuyo sa aking mga labahan. Kailangan ng maglaba para makatuyo at matupi kaagad mga nilabhan para walang nakatambak pag alis namin. Habang nagpapaikot nag aassist din sa dalawang girls ko sa kanilang online class. Kailangan tapusin namin mga activities nila bago magbakasyon para wala ng iisipin habang nasa bakasyon sila dami pa naman performance tasks ngayong linggo meron pang hindi nagagawa. Tumatagal kasi kapag video na ang gagawin hindi kaagad nagagawa :) Kailangan tapusin hanggang bukas lahat ng activities para happy ang bakasyon walang iisipin may mga deadline din kasi na dapat sundin ng pasahan dahil huling quarter na daw wala ng extension ng pagpasa.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.