read.cash Log in
@ruby0622 more from that month

Kayod ng Niyog Gusto daw nilang subukan ang magkayod ng niyog kaya pinagbigyan para naman maexperience nila. Sabi ko nalang magdahan-dahan at matalim ang pangkayod pero yung sa panganay ko na pangkayod hindi ganun katalim nakaabang pa talaga pinsan niya pinapanood kung marunong ba talaga haha. Nung pabalik na kami dito sa Cavite naisipan namin gumawa ng langis para dalhin. Sayang kasi din ang daming naipon na niyog nagkalaglagan dahil sa bagyong odette. Kaya ginawa naming langis at nagdala pabalik dito. Nakakapagod kinse piraso na niyog kinayod namin palitan lang kaming tatlong magkapatid na babae mabuti nalang dumating sa bahay yung pinsan naming lalaki at siya na nagkayod ang bilis lang niyang natapos. Kami hindi na sanay magkayod kaya pagod talaga inabot ngalay ang braso :)Maalala ko nung elementary at hayskul days araw-araw kami nagkakayod dahil yun pagkain ng alaga naming baboy may kasamang maninipis na hiwa ng puno ng saging, pagsamahin lang at bayuhin para madurog o magiling sarap na ng kain ng mga baboy. Sa panahon ngayon wala na yatang ganun ang pagkain ng alagang baboy feeds na :) kapatid ko sa probinsya daming alaga na biik kaya ang gastos ng pagkain nakakabawi naman kapag nabenta na. Nag enjoy naman pagkayod ang dalawang dalaga ko umayaw rin katagalan dahil pagod na :) #Throwback #SurigaoProvince #December2021 @ruby0622

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.