Nanay with mga Apo :) Throwback muna tayo, during vacation namin nakaraang December 2021. Ang dami rin talaga naganap pagbakasyon namin last year, ang unang ganap ang hindi maganda, yung sinalubong kami ni Odette na sobrang lakas talaga na bagyo. Halos lahat ng puno sa paligid namin natumba mabuti nlang awa ng Diyos hindi sa mismong bahay namin sa kabilang side. At hanggang ngayon wala parin daw silang kuryente dahil sa daming natumbang poste ng kuryente. Pagkatapos ng limang araw ng bagyo ay birthday ni mama, Kaya talaga kami nagbakasyon sa probinsya para sama-sama kaming magkakapatid sa kanyang kaarawan at syempre Christmas at New Year. Kaya ang saya ni mama sa birthday niya dahil nagkakasama muli kaming magkakapatid sa kanyang napakahalagang araw. Hindi kompleto ang mga apo ni mama diyan sa pangatlong picture sampu na lahat ang kanyang apo may dalawang dalaga at isang binata na, anak ng kuya ko 19yrs old plang kasi nag asawa na hehe. Sumunod nman yung dalawa ko tapos mga maliliit na. Ang saya lang ng moment na yan happy mader earth namin sa kanyang selebrasyon. Si mama ko at tita sa pangalawang picture ay parehas ng pangalan kaya yung bunso ko binansagan sila ng Nanay 1 at Nanay 2 para hindi malilito Kung sino tinatawag kapag kasama silang dalawa. Matawa nalang talaga kami ang galing mag isip ni bunso, parang B1 at B2 lang haha. #SurigaoVacation #owncontent #ruby0622
4 comments
Happy Birthday blessings to your child and I hope you all celebrate very will this time have enjoyed your day sissy
Sa side kopo ehh wala akong napakitang lolo sa mga anak ko ehh lola lang pero ayaw nagpapa twag ng lola gstu mama nalng, sa father side nila merun at nasa malapit lang madali puntahan
Sa mama ko tawag Ng mga apo niya ay Nanay ayaw ng Lola hehe dito Lang sa side Ng husband ko Lola ang tawag.
Ganyan din po tita ko nanay rin ang gusto lang tawag saknya ehh. Para siguro hindi Tumanda po heheje