Isang mapagpalang araw Noise fam! Napakaganda ng panahon ngayon maaraw pero mahangin siya kaya hindi masyadong mainit. Sana bukas ganito uli ang panahon para makatuyo ng labahan mapapaaga ang araw ng paglalaba ko dahil sa Sabado punta kaming Tagaytay sa mga biyenan ko para makasama daw nila mga apo. Simula kasi Lunes wala na silang pasok kaya mahaba-haba ang bakasyon dalawang linggo rin silang walang pasok kaya masaya na naman mga kiddos :D Excited na silang magbakasyon sa Lola at Lolo nila :) Ito yung ganap namin kahapon ng hapon pagkatapos ng work ng asawa ko alas kwatro dahil work from home lang siya pumunta agad kaming mall. Bibili daw kasi siya ng polo shirt hindi na magkasya mga damit dati lumulusog na gawa ng pandemic sa bahay lang ang work :) Pero wala rin kaming nabili kaya mamaya pagkatapos ng work niya punta naman kami sa ibang mall kaunti nalang kasi nasusuot niya masikip na ang iba kaya kailangan na bumili kasi tatlong beses sa isang linggo nasa work place na ang duty. Hindi kagaya noon work from home lang walang problema ng susuotin :) Doon nalang din Kami naghapunan minsan lang makagala mga bata hindi na sila nakalaro sa arcade dahil naggrocery pa kami mahaba rin ang pila. Ang sasarap din ng mga pagkain sa restaurant kinainan namin pangalawang beses na namin kumain dito pero ito unang beses kong umorder ng T-bone ang sarap sulit na sa presyo at unli rice pa :) Nakadalawang rice din kami pati panganay ko si bunso lang hindi na nag extra rice. Kaya marami silang customer pangmasa ang presyo at sulit sa sarap din bukod dun unli rice lahat order :)
7 comments
Kami sis bukas pa mag lalaba Ang Sarap namn po ng food nyo sis Gandang tanghali sis
Bukas pa din laba dami ko sis gawaing modyuls muna today mga kids kailangan Kasi gabayan :)
Ang cute ng mga anak mo, gaping - hapi sila sa paglabas niyo, lalo na sa bakasyon ninyo niyan!
Yay maganda yan sis dalawang linggo ang bakasyon nila makaka relax sila.
Oo nga sis mahaba-habang bakasyon ng mga estudyante Kaya tuwang-tuwa :) makapagpahinga sila pati na rin tayong mga nanay :)
Excited na mga bata, ang haba ng bakasyon at ang tagaytay sobramg ganda panaman... Sarap naman araw araw kayo magkakasama momsh
Oo nga sis excited na sila mahaba-habang bakasyon :)